Chapter 02

23.2K 723 92
                                    

"Hello sir?" Tanong sa kabilang linya habang inaayos ko ang mga papeles sa ibabaw ng aking lamesa. Ang kausap ko ngayon ay ang aking secretary na si Ms. Alvarez.

"Yes?"

"Sir meron po kasing naghahanap kay Madam Chairwoman" Panimula ng kausap ko sa kabilang linya. She is referring to my mother.

"Sino daw?" balewalang tanong ko. Umupo ako sa swivel chair, isinandal ang likod dito at nagdekwatro.

"Magiging bagong katulong n'yo raw po sa bahay, sir" sagot naman nito. Kinuha ko ang aking ballpen at pinaikot-ikot 'yun sa aking daliri.

"Ah gano'n ba, sige patuluyin mo" Utos ko kay Ms. Alvarez bago pinutol ang tawag.

Pagkatapos ng pag-uusap ay agad akong umayos ng upo para hintayin ang magiging bagong maid namin sa bahay na ni-requeat ng mom ko sa kapatid nitong si Tita Guada.

Mga limang minuto rin siguro akong naghihintay no'ng makarinig ako ng mga katok mula sa pintuan ng aking opisina. Naisip ko na baka iyon na magiging bagong katulong namin kaya balewalang bumalik ako sa pagkakasandal sa aking swivel chair at tumitig sa pinto para hintaying pumasok ito.

"Come in" wika ko pa bago tuluyang bumukas ang pinto ng aking opisina.

Nang tuluyang mabuksan ang pinto ay bigla akong natigilan dahil ang tumambad sa aking paningin ay isang napakagandang babae. Pakiramdam ko ay biglang sumikip ang aking dibdib kaya naman sinuntok ko pa iyon ng mahina para matauhan at pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko alam kung bakit naging gano'n ang reaksiyon ko.

"Take your seat" Iyon nalang ang nasabi ko no'ng makabawi.

Naisip ko na baka ito 'yung client na gusto ipakilala sa akin ni mom na tinanggihan ko. Tumanggi ako sa mom ko dahil alam ko naman na hindi talaga 'yun client kundi babae na gusto nitong maging date ko. Ilang beses na kasing gumawa ng blind date sa akin si mom at siguro ito ang babaeng ito naman ang target ni mom para sa akin. Napabuntong-hininga ako no'ng maisip 'yun at napatingin nalang sa babaeng nasa harapan ko na nakangiti na sa akin.

"Maraming salamat, sir" Nakangiti nitong pasasalamat sa akin.

"Maupo ka muna" utos ko na itinuro pa ang sofa. Agad naman ako nitong sinunod. Umiwas na ako dito ng tingin para pindutin ang intercom na konektado sa secretary ko na si Ms. Alvarez.

"Please bring two slice of cake here" Agad kong utos sa secretary ko hindi pa man ito nakakaimik.

"Ok, sir" sagot naman nito sa akin.

"The one that I baked" Pahabol ko pa bago ko pinatay ang linya. 

--

Jessica

"S'ya na kaya ang magiging amo ko? Swerte ko naman kapag s'ya naging amo ko, napakagwapo at mukang mabait pa" bulong ko sa sarili habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng silid.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon