Chapter 05

20.5K 597 50
                                    

LUMABAS ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Naabutan ko pa sa labas si sir Tristan na nakatalikod at mukang hinihintay talaga ang paglabas ko. Nakaramdam ako bigla ng pagkailang dito. Hindi ako makapaniwala na halos makita na nito ang lahat sa akin. Ang bastos pala talaga ni sir!

"S-sir?" Agaw pansin ko kay sir na nakatalikod sa akin. Agad naman itong lumingon sa akin at halatang handa na ang mga sasabihin nito pero natigilan ito no'ng mapatingin sa katawan ko na nakabalot lang ng tuwalya.

Napatingin din ako sa katawan ko na ngayon ay basa pa lalo na sa may dibdib ko na may dumadaloy pang tubig dahil sa buhok ko. Napakunot-noo ako no'ng mapansin ko na doon nakatingin si sir habang nakakunot-noo at parang pinagpapawisan.

"May problema ka ba sa dibdib ko, sir?" Tanong ko dito no'ng hindi na ako makatiis. Umiwas naman agad do'n ng tingin si sir at tumingin sa mga mata ko ng seryoso.

"Are you seducing me?" Tanong nito na ikinamaang ko dito.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko rin maintindihan ang tanong nito. Gusto ko na rin maging alien! Magpapaturo na talaga ako dito kay sir. Narinig ko ang pag-asik ni sir kaya naman bumalik ako bigla sa aking katinuan.

"Hays! Ang sabi ko, kung inaakit mo ba ako?" Tanong ulit ni sir na ikinakunot-noo ko. Napaisip ako bigla ng malalim.

"Inaakit? Saan sir? May dapat po ba tayong puntahan?" inosente kong tanong dito dahilan para mapabuga ito ng hangin. Halata sa itsura nito ngayon na nawawalan na ito ng pasensya sa akin.

Napasimangot nalang din ako, hindi ko naman kasi talaga alam kung saan kami pupunta para akitin ito. Ang gulo din pala ni sir kausap!

"Tsk never mind! By the way, bakit sa bathtub ka naglalaba?"

"Bathtub sir? Ano po 'yun?"

"Bathtub ang tawag do'n sa ginagamit mo kanina sa paglalaba sa banyo. Ginagamit lang 'yun kapag naliligo. Tsk idiot!" wika ni sir na ikinatawa ko naman bigla.

"Hahaha bathtub? Haha akala ko po kasi malaking planggana sir kaya-----"

"What? Planggana? Pffftt ang tanga mo talaga!" Natatawang reaksiyon naman ni sir.

Nawala naman bigla ang ngiti ko dahil sa huli nitong sinabi. Tanga? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Naalala ko bigla si inay na kinukurot ang singit ko sa tuwing nagbibitaw ako ng masasamang salita kaya naman iniwasan ko na ang magmura. Ngayon ko lang din nalaman na masakit pala ang masabihan ng tanga. Sinamaan ko ng tingin si sir Tristan.

"Anong sabi mo, sir?" masama ang tingin na tanong ko kay sir habang lumalapit dito. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa mga taong nagmumura? Gusto mong malaman, sir?" Dagdag ko pa na may panghahamon sa tinig habang patuloy na lumalapit dito at nakatitig sa mga mata nito.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon