Chapter 27

14.3K 380 8
                                    


HINDI ko maiwasan na hindi mapangiti ng maramdaman ko na yumakap pa sa akin si sir Tristan na para bang ayaw pa ako nitong paalisin sa higaan. Hindi ko rin mapigilan na namnamin ang pagkakataong iyon kaya mas nagsumiksik ako sa dibdib nito.

"H-hindi pa ba tayo babangon, sir?" Halos pabulong na tanong ko kay sir sa may tainga nito. Napangiti ako ng hinalikan pa muna ako nito sa noo.

"Five minutes pa, love" sagot naman nito sa paos na boses. Sumiksik nalang ako sa katawan nito.

"What a nice scene! You really look good together. I can't still believe that two of you ended to be together" wika ng isang boses na nakapagmulat sa aming dalawa ni sir. Kunot ang noo na nagkatinginan pa kaming dalawa bago sabay na bumaling sa nagsalita. Napamulaga ako at agad na napaupo sa kama.

"Mom/Tita!" Gulat na reaksiyon namin ni sir ng makita namin si Tita Trini na nakadungaw sa amin habang nakangiti.

"Goodmorning" Ngiting-ngiti na bati pa sa amin ni tita.

Nang mapansin ko na kinukunan kami nito ng mga larawan ay nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama.

"Stop taking pictures mom!" Suway ni sir Tristan sa mom nito na tumayo na rin para agawin kay tita ang cellphone nito. Napangiti nalang din ako dahil mukang masayang-masaya si tita Trini.

Habang wala sa akin ang atensiyon nina sir Tristan at tita Trini ay pasimple akong naglakad palabas ng kwarto ni sir para makatakas ako sa pangungulit ni tita.

"Love?" Narinig ko pang tawag ni sir sa akin pero binalewala ko lang iyon. Nagpatuloy ako sa paglabas ng kwarto.

"Hi" bungad sa akin ng isang pamilyar na boses pagkabukas ko ng pintuan.

Napangiti ako ng makita ko ang maganda nitong ngiti habang nakatingin sa akin. Ibinuka pa nito ang mga braso para siguro yakapin ko ito.

"Wahhhh Sebastian!" Sabik na tawag ko dito ng matauhan ako. Agad ko itong sinugod ng yakap dahil sa sobrang tuwa.

"Did you miss me?" Tanong pa nito sa akin habang yakap-yakap ako. Tumango-tango naman ako dito bilang tugon.

"Love, you need to cover your-----what the hell are you doing here, Sebastian?" Narinig kong reaksiyon ni sir Tristan na kalalabas lang din ng kwarto. Natawa naman ng mahina ni Sebastian.

"To see JM" sagot nito habang nakangiti.

Bahagya akong nagulat no'ng bigla nalang akong hinigit ni sir Tristan palayo kay Sebastian at pulupotan ang baywang ko ng tuwalya. Napakunot-noo naman ako dahil sa pagtataka.

"Anong ginagawa mo, sir?"

"Cover the blood stains in your short" sagot naman ni sir na lalong ikinakunot-noo ko.

Narinig ko ang pag-asik ni Sebastian habang ang pagtawa naman ni tita Trini na ngayon ay nakikinig na pala sa amin ni sir.

"Tsk! You are amazing, bro"

"Did two of you enjoy the heaven? How's the journey?" Pilya ang ngiti na tanong pa sa amin ni tita Trini.

Naguguluhan naman na tiningnan ko lang ang mga ito. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba ang pinag-uusapan. Tumingin ako kay sir na para bang nagtatanong. Ngumiti naman ito sa akin bago nito inilapit ang bibig sa may tainga ko.

"I think you have period, love" Bulong nito sa akin. Naramdaman ko naman bigla ang pag-iinit ng aking pisngi. Ano na Jessica?

––

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon