Chapter 30

15.5K 375 20
                                    


LIHIM kaming napapatingin ni sir Tristan sa isa't-isa habang nakaupo sa magkatapat na sofa. Hindi kami magkatabi nito ngayon dahil ang katabi nito sa upuan ay sina Sebastian at Gregorio na siyang kasama nina Ella at Ele mula sa probinsiya.

Katabi ko naman sa upuan sina Ella at Ele, at katulad ng kay sir Tristan ay napapagitnaan din ako ng dalawa kong kaibigan. Bahagya pa akong naiilang ngayon dahil sa tensiyon na bumabalot sa aming paligid.

"Sino nga pala si Gregorio?" Baling ko kina Ella at Ele na ngayon ay pinagmamasdan si sir Tristan. Agad namang lumingon ang mga ito sa akin.

"Mapapangasawa mo" Sabay na sagot ng mga ito.

"What?/ Huh?" Sabay na reaksiyon pa namin ni sir Tristan. Nagkatinginan pa kami nito sa isa't-isa. Agad ko din namang binawi ang tingin ko dito para muling bumaling sa dalawa kong kaibigan.

"P-paano? H-hindi ko naman siya kasintahan e at hindi ko naman siya kilala. Pa-paanong nangyaring mapapangasawa ko siya?" Naguguluhan na tanong ko mga ito.

"Niligawan kasi niyang si Gregorio ang nanay mo at sinagot na siya, kaya ayon! Kayo na" Sagot ni Ella bago kumuha ng isang piraso ng chocolate cookies na inihain ko sa mga ito.

"Huh? Hindi ko maintindihan. Hindi ba dapat ay si nanay ang kasintahan nitong si Gregorio dahil si nanay ang niligawan niya? B-bakit ako?" Naguguluhan na tanong ko ulit sa mga ito.

Tumawa naman ng mahina si Ele na kumuha pa muna ng isang piraso din ng cookies at kinain iyon. Lihim akong napasimangot dahil mauubusan na ako ng chocolate cookies na ibinigay sa akin ni sir Tristan kanina. Hindi ko pa manlang iyon natitikman at nakalimutan ko pang magtira.

"Kasi nga, nilagawan niya si tita para pumayag na maging kasintahan ka niya. Diba Gregorio?" Sagot ni Ele na bumaling kay Gregorio pagkatapos.

"Tama!" Mabilis na sagot naman nito. "Kailan ka nga pala uuwi sa probinsiya, Binibining Jessica? Hinihintay kana kasi ng mga magulang ko para makapamanhikan na kami sa inyo" Baling naman nito sa akin habang nakangiti. Agad naman itong tiningan ng masama ni sir Tristan pero hindi ito napansin ni Gregorio dahil sa akin ito nakatingin. Napangiwi naman ako bago pilit na ngumiti dito.

"A-ah kasi a-ano-----"

"She will stay here" Madiin na sagot ni sir Tristan habang nakatingin ng masama kay Gregorio dahilan para mapatingin dito ang lahat.

"Huh? B-bakit parang galit ka sa akin, pare? May problema ba?" Walang ideya na tanong naman dito ni Gregorio. Narinig ko pa ang mahinang pag-asik ni sir Tristan. Lihim naman akong napakagat sa aking labi dahil sa tensiyon na aking nararamdaman.

"She's mine" sagot naman dito ni sir habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Gregorio na para bang hindi nito naintindihan ang sinabi ni sir. Lihim naman akong napangiti dahil sa binitawang salita ng boyfriend ko. Si sir talaga!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon