Chapter 14

14.7K 439 25
                                    

LIHIM kong pinagmamasdan ang mga kumakain sa hapag-kainan na sina tita Trini, sir Tristan at 'yung babae na nagpakilalang Bianca na kasintahan daw ni sir. Hindi ko maiwasan hindi tumitig sa kamay noong babae sa tuwing humahawak iyon kay sir. At hindi ko rin alam kung bakit parang naiinis ako dahil doon.

Pinili ko nalang iiwas ang tingin ko sa mga ito at tahimik ko na lamang nilagyan ng tubig ang baso na nasa harapan ng mga ito.

"Powder juice please" Mataray na utos sa akin ni Bianca ng mapatapat ako dito at noong lalagyan ko na sana ng tubig ang baso nito.

Napatigil ako sa aking ginagawa at saglit na napaisip. Powder? Napatingin ako kay sir Tristan pero wala ang atensiyon nito sa akin kaya naman bumaling nalang ako kay Bianca.

"Ok, Bianca" sagot ko naman dito na akmang tatalikod na sana para sundin ang inuutos nito sa akin pero napatigil ako ng magsalita ito.

"What did you call me? Bianca? Tsk! Correction, I'm your MA'AM BIANCA" Nakairap na wika pa nito. Mukang naiinis ito sa akin.

"Pasensiya na, ma'am Bianca" Paumanhin ko naman bago tuluyang tumalikod para sundin ang inuutos nito.

"Ica?" Narinig ko naman na tawag sa akin ni sir Tristan. Agad naman akong napalingon dito at napangiti. Nahuli ko pa ang mapanuksong ngiti at tingin ni tita Trini. Inalis ko ang pagkakangiti ko dahil doon.

"Bakit, sir?" Tanong ko kay sir Tristan.

Napansin ko na hindi nakatingin sa akin si sir dahil abala ito sa paglalagay ng pagkain sa plato ni ma'am Bianca. Lihim akong napabuntong-hininga.

"Bring me juice too" utos nito sa akin habang nakatalikod.

"Copy, sir" Masama ang loob na sagot ko kay sir bago tuluyang tumalikod para pumunta ng kusina.

Nang makarating ako sa kusina ay agad akong kumuha ng isang baso para simulan na ang pagtitimpla ng juice. Hindi ko alam kung bakit parang nakakaramdam ako ngayon ng pagkainis lalo na kapag nakikita ko na hindi manlang ako pinapansin ng magaling kong amo. Nakakainis!

Nagpakawala ako ng sunod-sunod na malalim na hininga. Ano bang problema mo huh Jessica?

"You are inlove, iha"

"Ay palakang tumalon!" Gulat na reaksiyon ko no'ng may bigla na lamang magsalita sa aking likuran. Napalingon ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni tita Trini. "Kayo pala tita Trini. Pasensiya na po, nagulat lang po ako. Ano po pala sinabi niyo tita?" Usisa ko pa kay tita.

Ngumiti namang itong lalo na ikinakunot-noo ko. May saltik ba ito si tita? Napapansin ko kasi na parati nalang itong nakangiti sa akin.

"Nothing, iha. You will find it later from yourself" wika pa nito bago kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator. Naguluhan naman ako sa sinabi nito. Ano daw?

"Ako nalang po diyan, tita" Pigil ko sa ginagawa ni tita Trini na akmang kukunin ang kinuha nitong malamig na tubig. Pinigilan naman ako nito.

"Ako nalang, iha. I can manage" sabi pa ni tita kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nalang ito. "And iha, asin 'yang hawak mo" Dagdag pa nito dahilan para mapatingin ako sa tinitimpla kong juice. Napamulaga ako nang makita ko na asin nga ang hawak ko imbes na asukal.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon