Chapter 16

15.2K 484 43
                                    

NAPAMAANG nalang ako nang basta nalang ako bitiwan ni sir Tristan pagkapasok namin sa bahay nito. Mabuti nalang at nasalo ako ng sofa dahil kung hindi ay baka nabalian pa ako ng buto.

Lihim kong tiningnan ng masama si sir Tristan na ngayon ay nakatingala sa kesame habang nakapamaywang at nagpapakawala ng malalim na paghinga.

"M-may problema po ba kayo sa kisame, sir?" Agaw atensiyon ko pa dito.

"Where the hell have you been, woman? A-at bakit kasama mo si Sebastian?" Nanlilisik ang mga matang baling sa akin ni sir na ikinagulat ko pa. Sandali akong natigilan. Ano ba kasing problema nito ni sir? Napakunot-noo ako.

"E-e kayo, sir? Bakit kasama niyo po si ma'am Bianca?" Balik-tanong ko dito.

Hindi naman siguro masama magtanong dahil nagagawa nga nitong itanong sa akin ang anumang gusto nitong tanungin kaya pwede ko rin naman siguro gawin iyon. Napabuntong-hininga ako.

Naalala ko bigla ang sakit na bigla kong naramdaman kanina no'ng hindi ako kampihan ni sir Tristan. Pakiramdam ko ay muling bumalik ang sakit na 'yun at anumang oras ay maluluha na naman ako. Agad akong nag-iwas ng tingin para mapigilan ko ang aking luha. Narinig ko pa ang pag-asik ni sir at ang mahina nitong pagtawa.

"Of course! She's my girlfriend" Natatawa pa na sagot ni sir na muli akong tiningnan ng masama. Umiwas naman ako dito ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit parang may kutsilyo na biglang tumarak sa aking dibdib dahil sa sinabi nito. Alam ko naman kasi na kasintahan nito si ma'am Bianca pero kailangan pa bang ipamukha nito iyon sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako.  Nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Napayuko ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Hindi ako dapat masaktan dahil wala naman akong karapatan. Sinimulan kong pakalmahin ang aking sarili.

"Kaibigan ko naman si Sebastian, sir" wika ko naman dito sa mahinang boses. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni sir Tristan. Halata sa paghinga nito ang pagtitimpi ng inis.

"Do you really have the guts to talk back? H-how come? Saan mo nakilala ang pinsan ko?" Sunod-sunod na tanong nito pero isa lang ang naintindihan ko. Napatingin ako kay sir at napangiti.

"Pinsan mo si Sebastian, sir?" Nakangiting tanong ko pa kay sir. Ngayon ay alam ko na kung bakit parang magkakilala ang mga ito. Tumawa naman ng may pang-uuyam si sir Tristan.

"Hah! Are you really that happy to utter my cousin's name? Tsk! Magsama kayo!" Galit na sigaw nito bago ako iniwan sa may sala.

Naglakad na ito papunta sa kwarto nito. Natitigilan naman na sinundan ko nalang ito ng tingin. Ano problema no'n?

––

Tristan

Sebastian!

What the heck is he doing here?

Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako sa biglaang pagdating nito. He is actually do nothing but I feel so uneasy now. I can't erase to my mind how the way he look to my maid and how my fucking maid smile with him. Damn them!

"Hello, mom?" May iritable sa boses na bungad ko kay mom ng tumunog ang aking cellphone at tumawag ito. I can't control myself.

"Are you mad with me, son?" Tanong ni mom sa kabilang linya na halata sa boses na nagulat ito sa tono ng aking boses. I made a deep sigh.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon