Chapter 25

14.7K 351 30
                                    


NAGMAMADALI akong pumunta sa opisina ni sir Tristan dahil sinabi ko dito na dadalhan ko ito ng tanghalian pero ngayon ay huli na ako. Nang mapatapat ako sa pinto ng opisina nito ay agad ko iyong binuksan at mabilis na pumasok.

"N-nandito na ako sir-------" Napatigil ako sa pagsigaw dahil sa mga tao na nasa loob ng opisina nito. Nakatingin ang mga ito sa akin.

Masama ang pagkakatingin sa akin ni Bianca habang pigil naman ang ngiti nina sir Tristan at ng isang matandang babae na kasama ng mga ito ngayon. Pilit akong ngumiti sa mga ito para mabawasan ang aking pagkapahiya.

"What took you so long, woman?" Tanong sa akin ni sir Tristan.

Tumingin ako dito para sana sagutin ang tanong nito pero nawalan ako ng gana dahil napansin ko na nakahawak ang mga kamay ni Bianca sa braso nito at masyadong madikit ang mga ito.

Napansin ko rin na lihim na humuhudyat si sir na maupo ako sa tabi nito. Ngumiti ako dito ng pilit bago ito binalewala. Pinili ko na lamang na maupo sa katapat ng inuupuan ng mga ito.

"You look lovely, iha. Are you Tristan's secretary or model of the company?" Baling sa akin noong babaeng matanda na kasama nina sir Tristan at Bianca. Napangiti ako dito dahil parang madali itong makagaanan ng loob. "By the way, I'm Blanca Beatrice, Bianca's mother" Dagdag pa nito na naglahad pa ng kamay sa akin. Ngayon ay kilala ko na ang ang sinasabi ni sir sa akin na nanay ni Bianca. Simula noong naging kami ni sir ay sinabi na rin nito sa akin ang halos lahat ng tungkol sa sarili lalo na ang tungkol sa kanila ni Bianca.

"Jessica po, ma'am" Pakilala ko naman dito na tinanggap ang nakalahad nitong kamay. "At hindi po ako secretary o model-----" Naputol ang aking sasabihin ng magsalita bigla si sir Tristan.

"Actually tita, she is my-----"

"She is Tristan's maid, mom" Putol naman ni Bianca sa sinasabi ni sir Tristan. Napansin ko pa na nagkatinginan ang dalawa. Nakakunot-noo si sir habang si Bianca naman ay nginitian lamang ito.

"What are you doing, Bianca? You already know that she is my-----"

"Maid po ma'am. Totoo pong maid ako ni sir Tristan" Putol ko sa iba pang sasabihin ni sir dahil iyon naman talaga ang totoo. Katulong naman talaga ako nito pero kasintahan din.

Binigyan ko nalang ng ngiti si sir Tristan ng tumingin ito sa akin habang nakakunot ang noo. Ayoko muna sabihin nito na may relasyon kami sa harap ni ma'am Blanca dahil sinabi nito sa akin ang tunay na dahilan kung bakit nagpapanggap ito at si Bianca. Naiintindihan ko naman iyon. Ayokong maging dahilan ng kamatayan ni ma'am Blanca lalo na't nalaman nina sir Tristan nitong nakalipas na araw na may komplikasyon din sa puso ang nanay ni Bianca.

"But you are too beautiful to be maid, iha" Nakangiting wika pa sa akin ni ma'am Blanca dahilan para mapangiti ako ng malawak. Kinikilig ako ngayon sa mga sinasabi nito. Narinig ko naman ang mahinang pag-asik ni sir Tristan.

"Beautiful with no brain" Narinig ko namang wika ni Bianca pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Meron na po pala kayong lunch, sir" Baling ko naman kay sir Tristan na nahuli ko pang nakatitig sa akin. Bahagya pa akong nailang dahil doon. Minulagaan ko pa ito ng mata para tumigil ito sa ginagawa pero tumawa lang ito ng mahina.

"I brought him lunch" singit naman ni Bianca na ipinakita pa sa akin ang paghawak nito sa braso ng boyfriend ko. Nakaramdam ako ng inis pero binalewala ko nalang iyon.

"You can join with us, iha" wika naman ni ma'am Blanca. 

"Talaga po?" Sabik na tanong ko pa dito. Tumango-tango naman ito habang nakangiti.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon