Chapter 10

17.8K 510 18
                                    

Jessica

NANG makarating kami sa bahay ni sir Tristan ay napansin ko ang pananahimik nito. Hindi rin ako nito pinapansin kahit paulit-ulit ko itong tinatanong kung ayos lang ba ito.

Sinundan ko nalang ito ng tingin no'ng magsimula itong umakyat sa kwarto nito. Napabuntong-hininga nalang ako at naisip na baka galit ito sa akin. Ano bang ginawa ko?

Napailing-iling nalang ako bago iniwas ang tingin kay sir Tristan. Tatalikod nalang sana ako no'ng marinig ko naman ang pagtawag nito sa aking pangalan.

"Jessica?" Malumanay na tawag nito sa akin. Agad naman ako ditong lumingon. Nanibago rin ako sa pagtawag nito sa tunay kong pangalan.

"Bakit, sir?" Nakangiting tanong ko naman dito. Napakunot-noo ako no'ng tumitig lang ito sa akin. Naramdaman ko bigla ang pamumula ng aking pisngi dahil sa paraan ng pagtitig nito na para bang ako na yata ang pinakamagandang babae sa mundo na nakita nito. Napangiti ako lalo sa aking naisip. "May gusto ba kayong sabihin sa akin, sir?" Tanong ko pa dito na hindi maalis sa mukha ang matamis na ngiti.

"Bakit ang pangit mo?" Balik-tanong ni sir na nakapagpawala sa aking ngiti. Sinamaan ko bigla ng tingin si sir dahil sa pagkabigla.

"Ano? A-ako pangit, sir? Hoy hindi ako pangit sir 'no! sobrang ganda ko kaya, dami nga sa akin nagkakagust, sir e" Depensa ko naman.

"Tsk! Yabang" Asik sa akin ni sir bago ako tinalikuran. Magsasalita pa sana ako para kontrahin si sir Tristan pero nawala na agad ito sa paningin ko. Pumasok na ito sa kwarto nito.

"Hindi naman ako mayabang, nagsasabi lang ng totoo" Bulong ko nalang sa sarili habang naglalakad papunta sa aking kwarto na naka-pwesto lang sa ilalim ng hagdanan papunta sa kwarto ni sir Tristan.

Kinabukasan ay maagap kong ipinagluto ng agahan si sir Tristan para makakain ito bago pumasok sa trabaho nito. Naisip ko rin kasi na baka tinotopak ito dahil naiinis na ito sa akin. Muka pa namang may saltik si sir.

Lihim akong natawa ng mahina sa aking naisip. Kailangan kong makabawi kay sir Tristan para matuwa naman ito sa akin.

Habang nagluluto ay hindi ko mapigilan na hindi sumayaw-sayaw sa harapan ng niluluto ko. Hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti ko habang tinitikman ang lasa ng pagkain na ngayon ay malapit nang maluto.

"Ang sarap ko talaga magluto" Nasabi ko pa matapos kong tikman ang niluto ko.

"Tss! Stop dancing, woman. You look like swaying bamboo. Ang tigas ng katawan" wika ng isang tinig mula sa aking likuran. Agad naman akong lumingon at sinamaan ng tingin si sir Tristan na ngayon ay kapapasok lamang ng kusina.

"Tsk! Ang sama niyo, sir" Asik ko pa kay sir pero hindi na ako nito pinansin.

Tumigil na rin ako sa pagsasayaw dahil baka punahin na naman ako ng masungit kong boss. Umupo lang ito sa isa sa mga upuan doon. Napasimangot nalang ako bago bumalik sa aking ginagawa.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon