Chapter 12

15.5K 425 4
                                    

HINDI inaalis ni sir ang tingin nito sa akin habang inaayos ko ang gamot nito. Napainom ko na ito ng gamot kaya ayos na ulit ang pakiramdam nito pero hanggang ngayon ay sumisinghot pa rin ako dahil hindi ko mapigilan ang patuloy na maluha.

Hindi ko maiwasan na hindi makonsensiya at matakot. Natatakot ako dahil muntik nang mamamatay ang amo ko ng dahil sa akin. Mabuti nalang at nakuha ko agad ang gamot ni sir sa sinasabi nitong kabinet. Hindi ko nga alam kung paano ko iyon nahanap at nakuha agad sa ideyang wala naman akong alam sa kabuuan ng kwarto ni sir. At dahil doon, lihim akong nagpapasalamat dahil mabilis na gumana ang aking utak at nailigtas ko si sir Tristan.

Hindi ko alam ang aking gagawin kung sakaling may nangyaring masama sa boss ko. Napaluha na naman ako.

"Can you please stop crying, woman?" Narinig kong suway ni sir sa akin na lalong nagpaluha sa akin. Buhay pa talaga si sir!

Hindi ko napigilan na hindi yakapin si sir dahil sa sobrang tuwa. Napansin ko naman ang pagkagulat nito sa ginawa ko. "W-what are you doing, woman?"

"M-masaya ako na walang nangyari sa-sayong masama, sir. S-sorry po sa g-ginawa ko" Umiiyak na wika ko dito.

Sinusubukan ni sir na alisin ang pagkakayakap ko dito pero lalo ko lamang hinigpitan ang yakap ko dito.

"Damn woman! Don't be clingy with me. Bitaw!" Masungit na suway sa akin ni sir na ikinangiti ko dahil alam ko na talagang ayos na ito.

"S-sorry, sir" Paumanhin ko pa ulit dito. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

"Tsk! Ayos na. Apology accepted, bitaw na" sabi nito na sinubukan na ulit alisin ang pagkakayakap ko dito. Hindi naman na ako nagmatigas at bumitaw na dito. Tiningnan ko ito sa mga mata. Iniiwas nito ang tingin sa akin. "Hays could you stop staring? I'm really fine now" sabi pa nito na ikinangiti ko.

"Sorry"

"Tsk! Stop saying sorry and just don't do the same again, ok? I have allergy to oyster" wika nito na ikinatitig ko dito. Napabuntong-hininga ito. "Pasaway" Dagdag pa ni sir bago ito tumayo sa kinauupuan nitong sofa.

Napabuntong-hininga nalang ako at sinundan nalang ng tingin si sir na ngayon ay papasok na sa kwarto nito.

Kinabukasan ay maagap akong gumising para bumawi kay sir Tristan. Nakangiting inihanda ko sa lamesa ang mga niluto kong pagkain tulad ng bacon, pritong itlog, sinangag at hotdog. Nagtimpla na rin ako ng kape para dito. Ito nalang talaga ang kulang.

Nang makita ko si sir na pababa na ng hagdan galing sa kwarto nito ay agad ko itong sinalubong. Napansin ko na inaayos pa nito ang suot nitong kurbata.

"Ako na niyan, sir" Presenta ko na agad hinawakan ang kurbata ni sir para ako na ang magtuloy sa pag-aayos.

"Tsk! Ako na" wika naman ni sir na hinawakan pa ang kamay ko para patigilin ako sa ginagawa.

Bahagya akong natigilan pero agad din namang nakabawi. Hindi ako pumayag na pigilan ako nito sa gusto kong gawin kaya naman ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng kurbata nito. "Hardheaded" wika pa ni sir na napabuntong-hininga nalang sa kakulitan ko. Hinayaan nalang ako nito sa ginagawa ko dahilan para mapangiti ako ng lihim.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon