Chapter 08

17.5K 509 23
                                    

PINASADAHAN ni sir Tristan ang kabuuan ko no'ng makalabas ako mula sa fitting room. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti habang umiikot sa harapan ni sir para makita nito ang kabuuan ng damit na napili kong isuot.

Sa mall ang kinahantungan namin ni sir Tristan matapos ako nitong higitin palabas ng bahay ni Calex. Hindi nga ako makapaniwala na dadalhin ako dito ni sir para mamili ng mga gamit ko. Ang buong akala ko kasi ay ayaw ako nitong bilhan ng mga damit. Ano kayang nakain ni sir Tristan?

"Stop turning around, woman. It makes me dizzy" Reklamo ni sir habang nakakunot-noo.

Napatigil naman ako sa ginagawa kong pag-ikot sa harapan nito. Nahahalata ko na kanina pa masungit sa akin si sir Tristan.

"Po? Hindi ba bagay sa akin, sir?" Tanong ko dito habang napapatingin sa suot ko ngayong pulang damit na hapit sa katawan ko. Nagustuhan ko iyon dahil lumalabas doon ang magandang hubog ng aking katawan. 

"Pwede bang disenteng damit ang kunin mo? Tsk! You are not even my secretary to wear that kind of clothes. Choose clothes that will fits to your work" wika nito pero napamaang lang ako. Napaasik na naman si sir dahil sa pagkainis nito sa akin.

Napasimangot nalang ako dahil nagsisimula na rin akong makaramdam ng inis dito. Ang sabi nito sa akin kanina ay kunin ko 'yung mga damit na gusto ko pero kapag ipinapakita ko naman dito at tinatanong ito kung bagay ba sa akin 'yung damit ay laging masamang tingin at asik ang isinasagot nito. Ano bang kasalanan ko sa lalaking ito?

"Stupid, kumuha ka ng damit na babagay sa trabaho mo, babae. 'Yung magmumukha kang taga-linis at katulong. Don't wear clothes that will reveal your beauty. Tsk!" wika pa nito.

Hindi ko naintindihan ang huli nitong sinabi dahil salitang alien na naman ang ginamit nito. Sa palagay ko naman ay hindi na naman maganda ang salitang iyon kaya mabuti na rin na hindi ko naintindihan. Nakaramdam ako lalo ng pagkainis. Ang sama ng ugali!

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para maghanap ng damit na sinasabi nitong babagay sa akin. Agad naman akong nakakita ng isang lalaki na agad ko namang nilapitan. Nararamdaman ko naman ang pagsunod ng tingin sa akin ni sir Tristan. Hindi ko nalang ito pinansin.

"Kuya, pwede po bang pahubad po n'yang suot mong damit?" Magalang na tanong ko do'n sa lalaking nilapitan ko. Naglalampaso ito ngayon ng sahig ng mall.

Mukang nagulat pa 'yung lalaki sa bigla kong pagsulpot dahil bahagya itong lumayo sa akin. Pinasadahan pa ng lalaki ang kabuuan ko pagkatapos. May katandaan na iyong lalaki dahil may pagka-kuba na ito at kulubot na rin ang balat nito. Nakaramdam ako bigla dito ng awa.

"Hay iha, ang ganda mong bata. Hindi naman tama na sa edad kong ito ay pagnanasahan mo pa ako. Maghanap ka nalang ng lalaking pwede mong pagnasahan iha, katulad ng lalaking 'yun" sabi ni manong na ikinamaang ko. Ano naman sinasabi nito ni manong? "Siya nalang pagnasahan mo, iha" Dagdag pa nito na may itinuro sa may likuran ko.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon