Chapter 31

14.6K 344 13
                                    


NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ako ng mahinang pagtawa.  Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni sir na nakadungaw sa akin. Napansin ko na nagpipigil ito ng tawa kaya napakunot-noo ako.

"B-bakit, sir?" Paos ang boses na tanong ko dito. Bahagya pa akong  napangiwi ng maramdaman ko ang pagkirot ng ibang parte ng aking katawan.

Agad na namula ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Napamulaga din ako ng mapagtanto ko na nakalantad sa harapan ni sir ang hubad kong katawan.

"Wahh! Ang bastos mo sir!" Gulat na reaksiyon ko na agad binalot ang hubad na katawan at tiningnan ng masama si sir Tristan. Natawa naman ito ng mahina.

"Tsk! Don't be shy, love. You already show me that. And I'm trying to cover your body but you always taken them off and keep muttering that you want more" Natatawa na sagot ni sir na literal na nagpanga-nga sa akin. Agad ko naman tinakpan ng kumot ang mukha ko ng maintindihan ko ang sinabi nito. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

"T-totoo ba 'yun sir? N-niloloko mo lang yata ako e" Tanong ko pa dito habang nakatalukbong ng kumot. Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa ni sir Tristan kaya lalo akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking pisngi.

"I'm telling the truth, love" sagot nito. Napakagat-labi naman ako dahil sa kahihiyan. "Don't worry, love because, I won't tell others how wild you are" Dagdag pa nito na may panunukso sa boses.

"Nakakahiya!" Reaksiyon ko dahilan para matawa ng malakas si sir Tristan. Naramdaman ko pa ang paglapit nito sa akin para alisin ang kumot na nakatakip sa akin. "Wahh huwag niyong alisin sir!" Pagmamatigas ko na hindi pumayag na alisin ang kumot na nakabalot sa akin. Ayaw ko kasing makita nito ang pamumula ng aking pisngi.

"Stop, love. Don't be shy because I am yours now and-----" Natigil sa pagsasalita at paghigit ng kumot si sir ng tumunog ang cellphone nito na lihim kong ipinagpasalamat. "I'll answer the call, love. Wait me here" Dagdag pa nito bago ko naramdaman ang pag-alis nito sa ibabaw ng kama.

Nang maramdaman ko na tuluyan ng nakaalis sa harapan ko si sir ay inalis ko ang pagkakatakip ng kumot sa aking mukha. Nakahinga rin ako ng maluwag. Sinundan ko ng tingin si sir na ngayon ay nakatalikod at nakatayo sa may bintana. Bahagyang napaiwas ang tingin ko dito ng mapansin ko na boxer lang ang suot nito ngayon. Ang bastos talaga nito!

"What? She pulled out her investments?" Gulat na reaksiyon pa ni sir Tristan sa kausap nito sa kabilang linya. Napahilot ito bigla sa sentido nito at para bang bigla itong naging problemado. "Ok. I'll be there in a minutes. Bye" Putol nito sa kabilang linya. Napabuntong-hininga ito pagkatapos.

Nang bumaling sa akin si sir Tristan ay pilit itong ngumiti sa akin bago nagsimulang kumilos para sa pagpunta nito sa opisina.  Pinagmasdan ko lang ito habang kumukuha ng bussines attire. Nararamdaman ko ngayon ang sobrang panghihina nito. Tumayo na ako sa higaan para magbihis at tulungan ito sa ginagawa.

"Ako na diyan, love" Malambing na wika ko dito na sinimulan ng ayusin ang kurbata nito. Gusto kong maramdaman nito na malalampasan din nito ang problema na meron ito ngayon.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga bisig ni sir sa baywang ko habang inaayos ko ang kurbata nito at alam ko rin na nakatitig ito sa akin ngayon.

"I'm sorry, love. Sa tingin ko magiging busy ako ngayon" wika nito sa akin. Tumingala ako dito para ngumiti.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon