Chapter 2

5.3K 85 8
                                    

"Cheers!"

Itinaas namin ang mga hawak naming baso sa ere at pagkatapos ay uminom. Kararating ko lang at lahat sila kinamusta ako. Sinabi ko namang ayos lang ako. Ethan was also here and his eyes were still worried about me.

"Are you sure you're okay?" he asked. Nasa tabi ko lang siya kaya kahit anong ingay ng bar na ito ay naririnig ko siya.

"Yeah, I'm okay, Ethan. Don't worry about me," I smiled.

Tumingin ako sa paligid. Halos lahat ng nakikita ko ay artista. High-end bar kasi ito at tanging malalaking tao o mayayaman lang ang nakakapasok kaya hindi na ako nagtataka na puro artista rito.

"Kung may paparazzi lang dito, baka nakunan na kayo!" tumatawang sabi ni Jerome habang nakatingin sa amin ni Ethan. Kaibigan siya ng photographer ko.

"Kahit makunan sila, alam naman natin na wala silang relasyon!" sigaw ni Shana.

"They will be a cute and perfect coup—" Napatigil sa pagsasalita si Jian, manager ko nang may biglang umupo sa tabi ni Mrs. Alexandra. Padabog ang pag-upo nito at mukhang galit. He was wearing a black leather jacket, black ripped jeans, black sneakers and black cap.

"Mr. Damian? Bakit ngayon ka lang?" Mrs. Alexandra asked.

Doon na tinanggal ni Mr. Damian ang cap niya at inilapag iyon sa hita niya. I cleared my throat when he looked into my eyes. That look was cold.

"May ginawa lang..."

Oh God. His voice was baritone. Very manly. Nakakapanghina ang boses niya. Nakakapanglambot ng tuhod.

"By the way, you know her, right? This is her party." Mrs. Alexandra looked at me.

I looked at Mr. Damian because I was waiting for him to look at me but he just took the Jack Daniel's and poured it on his glass. He didn't even look at me nor congratulate me.

Hmm. No problem. We're not even close. Baka hindi lang siya sanay na kumakausap ng tao.

"That was rude, Mr. Damian. Aren't you gonna congratulate her?" Mrs. Alexandra asked him.

Uminom muna si Mr. Damian bago niya sinagot si Mrs. Alexandra.

"What happened to the thing I told you?" he asked. That was far from what Mrs. Alexandra said.

Mahinang hinampas ni Mrs. Alexandra si Mr. Damian. "Wala tayo sa trabaho ngayon. Ano ka ba? Batiin mo naman si Yen," sambit ng babae.

Ngumiti ako. "It's okay, Mrs. Alexandra. Let's just enjoy the party," I said.

Naramdaman ko ang pananahimik ng ibang tao. Bakit kaya? Kanina naman ay maingay sila pero nang dumating si Mr. Damian ay nanahimik sila.

"Who's Yen?"

Oh...

Hindi niya pala naaalala ang pangalan ko.

Mrs. Alexandra covered her mouth using his right hand while shaking her head. "She already said her name, Mr. Damian! Ano ka ba? Nakakahiya ka. Mag sorry ka kay Ms. Levisay."

Mr. Damian's brows furrowed. "Chayenne Hope Levisay?"

Napalunok ako nang parang biglang tumalon ang puso ko. What was that? He remembered my full name!

"Oh? Kilala mo naman pala!" si Mrs. Alexandra.

I bit my lower lip.

"Ah siya ba 'yon? Akala ko ibang tao... Yen kasi ang sinabi mo..." aniya kay Mrs. Alexandra.

I cleared my throat when Mr. Damian looked at me. "Congrats," he coldly said.

I nodded, "Thanks."

Hindi na ulit kagaya ng kanina, medyo tahimik na ang mga tao. Kahit si Jerome na maingay at madaldal ay nanahimik. Anong meron kay Mr. Damian at napatahimik niya ang mga tao?

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now