Chapter 15

3.5K 69 7
                                    

Pinagmasdan ko ang bahay niya — No. This isn't a house. This is a mansion. A huge one. Triple ang laki nito sa mansyon ng mga magulang ko.

"Here, wear this. Bilisan mo baka magkasakit ka pa," aniya kaya napatingin ako sa inilalahad niya sa akin.

"O-okay," sagot ko at mabilis na kinuha 'yon at pumasok sa cr.

Siya lang ba mag-isa rito? Napakatahimik kasi at puro panlalaki ang gamit dito sa cr. Kahit ang shampoo at sabon. Kapag ginamit ko ito, magiging kaamoy ko si Ice.

Habang bumubuhos sa katawan ko ang tubig ay ang daming pumapasok sa isip ko. Lahat ng bagay na nangyayari sa akin. Ang pagkabuhay ko, ang pagkaayaw sa akin ni Hale at Mommy, ang pagiging modelo ko, ang pagkilala ko sa mga taong nasa buhay ko... lahat lahat.

Indeed, everything happens for a reason.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang malaking white t-shirt ni Ice. Hanggang hita ko na 'yon. Lumabas ako at nakita kong tapos na rin siyang maligo. He was also wearing a white t-shirt. Nakasuot siya ng pajama na kulay puti. Kitang-kita ko ang tattoo niya sa ibaba ng siko. Kagaya ng dati, suot niya ang gold necklace niya.

Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang paglunok niya. Nahihiya rin ako dahil wala akong shorts na suot. Mabuti na lang at malaki ang t-shirt na suot ko.

Bigla siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ko habang pinupunasan ang basa kong buhok.

"There's a blower in my room. Dry your hair..." mahinang sambit niya kaya tumango ako.

Naglakad na siya palayo sa akin. Napakunot ang noo ko dahil palabas na siya ng mansyon niya. "Ice?" tawag ko.

He stopped but he didn't look at me.

"Iiwan mo ako mag-isa rito sa bahay mo?" tanong ko.

"You're safe here... I will just go out... I-I'll buy you something to wear," nauutal at mabagal niyang sambit. Hindi na niya hinintay ang isasagot ko dahil lumabas na siya.

Pinagmasdan ko na lang ang bahay niya. Wala kahit isang katulong. Talagang siya lang mag-isa sa napakalaking mansyon na ito?

Malalaki ang bawat bintana ng bahay niya. Kitang-kita ang labas na may patag at malinis na damo. Walang ibang bahay kundi sa kanya lang.

Puro babasagin ang gamit. Ang hagdan ay transparent. May malaking t.v sa living room at tatlong malalaking puting sofa. Sa gitna ay may maliit na lamesa na transparent din.

Naglakad ako patungo sa kwarto na itinuro niya sa akin kanina pagdating namin dito. Marahan kong binuksan 'yon at agad kong niyakap ang sarili ko dahil sa lamig. Hindi niya ba pinapatay ang aircon?

Isinarado ko ang pinto at hinanap ang blower niya pero iba ang nahanap ko. My brow furrowed when I saw something familiar to me.

"Written by Selene Lewis?" pagbabasa ko sa writer ng libro.

"Reasons to Live..." pagbabasa ko naman sa title ng libro.

"Famili—" My eyes widened when I finally remebered this name. Selene Lewis... Selene Lewis was the one who wrote What is Life.

"Ice? Was that you?" Si Ice ba ang naglagay ng libro na 'yon sa kwarto ko? Sa kanya ba nanggaling 'yon? Iisang author lang ang nagsulat ng What is Life at Reasons to Live. Posible kayang si Ice ang naglagay no'n?

Pinagmasdan ko ang kwarto niya at nakita ko ang isang malaking picture frame na litrato ni Ice. He was wearing a black turtle neck long sleeve and his face was fierce. Lumapit ako roon dahil may nakasulat sa gilid sa baba na maliit lang.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now