Chapter 34

8.4K 74 7
                                    

"How are you, Aster?" I asked.

"I know you're happy. Alam mo? Miss na miss na kita. You were my rant buddy... pero alam kong nagpapahinga ka na. Pupunta pa rin ako rito kapag maglalabas ako ng sama ng loob ha?" Ngumiti ako.

Malapit lang ang puntod niya kila Mommy kaya dinalaw ko na rin siya.

"Mom... I loved you... even if you were a bad mother to me. I admit that I was mad at you. Nagalit ako dahil pinaramdam mo sa akin na wala akong ina and I'm sorry for that. I'm sorry for getting mad at you without knowing your past. Sana patawarin mo na ako dahil pinapatawad na rin kita sa mga nagawa mo sa akin." Ngumiti ako at tinanggal ang dahon na lumipad sa lapida niya.

Paunti-unti... dahan-dahan... sa wakas nakakahinga na ako mula sa nakaraan.

"Rest well, Mom. Mahal na mahal kita..."

Tumingin ako sa pangalan ni Daddy at hinaplos 'yon. I smiled. "Thank you for loving me. Thank you for taking care of me even though I wasn't your real daughter. Thank you, Dad. Thank you for everything and I'm sorry because I didn't protect you." Napapikit ako habang nakangiti nang humangin.

Dumilat ako at tumingin sa pangalan ni Hale.

"Hale... I'm sorry on behalf of my father. He ruined you and your life. I'm sorry. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin na may pagmamahal ka para sa akin. Salamat. Mahal na mahal kita. I am your sister so please do me a favor... please... protect me. Natatakot pa rin ako sa mundong 'to pero nilalakasan ko ang loob ko." Hinaplos ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida niya.

"Aster... Mom... Dad... Hale... Mawawala muna ako ng ilang buwan. Hindi ko muna kayo madadalaw dahil may trabaho akong kailangan gawin. I don't know when I'll be back but please, protect me. Pagbalik ko, marami akong ikukuwento sa inyo... malungkot man o masaya ay ikukuwento ko sa inyo." Ngumiti ako sa kanila.

"Bye for now, my family." Isa-isa kong tinignan ang pangalan ni Aster, Mommy, Daddy at Hale pagkatapos ay tinalikuran na sila.

I'm proud of myself because I'm not crying anymore. Sa tuwing kasi pumupunta ako sa kanila noon ay umiiyak ako pero ngayon... sobrang gaan ng pakiramdam ko. Unti-unti na akong pinapakawalan ng nakaraan.

Tumigil ako sa isang puntod. I took a deep breath.

Raymond Y. Levisay.

"You were the worst person I've known in my entire life... I hated you but I can't deny the fact that... you're still my father," mahinang sambit ko.

"I'm sorry for taking your life. I hope you're paying for your sin wherever you are..."

I smiled and caressed his name. "Kung mabubuhay ka man ulit sa ibang mundo... sana sana maging tamang ama ka na, sana maging tamang asawa ka na at sana... maging tamang tao ka na." Huminga ako nang malalim.

Now, I can say that I'm free. Nagpatawad na ako. Pinatawad ko na... pinakawalan ko na ang lahat ng sakit.

I'll always be thankful to God because He saved me when I tried to kill myself.

Kung namatay akong mabigat ang loob, kung namatay akong puno ng sakit ang puso... baka hindi ako matahimik.

No matter what we do we cannot escape problems, we cannot run away. Kahit anong gawin nating pag-iwas sa mga ito ay babalik at babalik ito sa atin kung hindi tayo magiging matapang upang harapin ang mga ito.

If you're weak, this cruel world will eat you alive.

Thanks to Mrs. Alexandra. She helped me. Maraming naging proseso pero sa huli, napawalang bisa ang 40 years in prison ko dahil sa ebidensya na ipinakita niya. Isang video na makapagsasabi na self-defense lang ang ginawa ko.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now