Chapter 12

3.1K 64 0
                                    

"Yen! Wake up! Fucking wake up!"

Napaubo ako at agad na idinilat ang mga mata ko. Lumabas ang tubig mula sa bibig ko. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin. My heart's beating too fast. It is not normal. Sobrang bilis.

Hindi ako nakapagsalita. Agad niya akong hinarap. My eyes were blurry but I know who this man is. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Hey, are you okay?" He caressed my face.

Dahan-dahan kong hinawakan ang labi niyang pumutok at may dugo. Even his shoulder is bleeding.

"M-mr. Damian..."

"Oh, God!" Muli niya akong niyakap at bubuhatin sana ako pero mahina ko siyang tinulak.

Pinilit kong tumayo. Tumingin ako sa paligid at nakita kong bagsak na ang mga lalaki. I don't know if they're dead or not. Who did this to them?

Is it Mr. Damian?

Pinilit kong tumayo kaya inalalayan niya ako. May puting tela na sa leeg ko, mukhang iyon ang pinunit niya sa long sleeve polo niya. Iginala ko pa ang mga mata ko at nakita ko si Angela na nakaupo at nakayuko sa mga tuhod niya habang umiiyak. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"A-angela!" Tumakbo ako kahit nanghihina ako. Hindi pa rin ako makahinga nang maayos.

I immdiately hugged her. Masyado siyang natakot. "Sshh... tahan na." Hinagod ko ang likod niya. "Are you okay?" I asked.

Humihikbi siyang tumango.

Niyakap niya ako. Takot na takot nga siya. Nang tumigil siya sa pag-iyak ay itinayo ko siya at nilingon namin si Mr. Damian. He's still bleeding.

"I'll drive you to a hospital. Are you okay?" paninigurado ko.

He's not moving. He was just seriously looking at me. May mababakas na galit sa mga mata niya.

"Mr. Damian, you were shot—" Itinuro ko pa ang braso niya pero mabilis niyang tinabig 'yon kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"W-what?" I asked. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Angela.

"How could you put yourself in danger just because of this kid? She's not even your family," he emphatically said.

My brows furrowed. Tama ba ang pagkakarinig ko sa kanya?

His jaw clenched.

"What did you say?" I calmly said.

"Yen, you've put yourself in danger because of this—"

"Thank you for helping us, Mr. Damian. I have to go," I said and turned my back away from him. I started to walk holding Angela's hand. Hindi ko na narinig ang boses niya kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Angela is my sister even though we're not related in blood. Ayokong may mangyaring masama sa kanya at aaminin kong nainis ako sa sinabi ni Mr. Damian at para hindi ko siya mapagsalitaan ng kung ano mang bagay na pagsisisihan ko rin, pinili ko na lang na iwan siya.

Huminga ako nang malalim nang hinawakan ko ang pinto ng kotse ko. Napayuko ako dahil naalala ko ang pagdurugo ng braso niya.

Nilingon ko ang pinanggalingan namin ni Angela at hindi na nagdalawang-isip pa. Muli naming binalikan si Mr. Damian sa loob ng abandonadong mansyon.

Napatigil ako sa paglalakad. He's still here. Nakakuyom ang kamao at nakayuko. Patuloy na tumutulo ang dugo mula sa braso niya.

Mabilis akong lumapit sa kanya. "Mr. Damian, let's go. Ako na ang magmamaneh—"

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now