Chapter 9

3.5K 63 10
                                    

I didn't know that Criselda, Natalya and Louisse were part of this contest. Hindi ko kasi natandaan ang mga mukha nila sa photo na ipinakita sa akin ni Benj sa iPad niya.

Magaling silang lahat kaya ang hirap mag desisyon. Ganito pala ang pakiramdam na huhusga ka.

Nasa kaliwang dulo si Mrs. Alexandra at ako ang katabi niya, tapos si Ms. Margaux at sa kabilang dulo naman si Mr. Damian. Kaharap namin ang mahabang lamesa at ang mga contestants.

Napakunot ang noo ko nang makitang nagkamali si Natalya. Hindi lang ito maliit na pagkakamali dahil ibang way ang dinaanan niya kaya nagkabangga sila ng isang contestant.

The girl rolled her eyes at her and I saw the nervousness in Natalya's eyes. Nagdiretso siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa backstage.

"She made a mistake. Didn't she practice this?" seryosong tanong ni Mrs. Alexandra.

"But we all make mistakes." Napatingin ako sa gilid ko. Ms. Margaux clenched her jaw. Kumuyom pa ang kamao niya.

"But it's still a mistake... not just a mistake, Ms. Sy. It was a big mistake," I calmly said.

She seriously looked at me. She arched her right brow. "Do you think you're perfect? She's not a professional like you so it's fine to make a mistake, Ms. Levisay."

"Margaux, that was a big mistake," si Mrs. Alexandra.

Margaux chuckled. "Whatever. Do what you want. I understand her for making a mistake." Lumingon na siya sa contestant.

Nagkatinginan kami ni Mrs. Alexandra at napailing na lang siya. Pasimple kong sinilip si Mr. Damian pero wala siyang emosyong nakatingin sa contestant na nasa harapan.

Umiwas na ako ng tingin at nag focus na lang sa mga contestants. I bit my lower lip. Yes, we all make mistakes but this is different because this is a contest. They need to be competent. Kailangan nilang magpakaperpekto para masabing deserve nila ang isang bagay. And besides, they already practiced this.

Nagkaroon ng break. Nag usap-usap kami tungkol sa pagkakamali ni Natalya at pinipilit pa rin kami ni Ms. Margaux na bigyan ng perfect score si Natalya.

"Ms. Sy, I think you're crossing the line," Mrs. Alexandra seriously said.

Ms. Margaux chuckled. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya at seryosong tumingin sa amin. "She's my model. I trained her well. Why can't you just let it slide, huh? And she's the best!"

"If we made a mistake, we're not the best. We still need to learn... Do you know what makes us best? It is when we accept our mistake." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang isang bottled water saka sila tinalikuran.

Bumalik ako sa upuan ko at sinulat na ang scores na karapa't-dapat sa mga contestants. Pagkatapos ay pinag-usapan na namin ang magiging winner.

"Good evening, beautiful contestants. You've done well tonight and I am so proud of you. Just remember that whatever happens, you still did well because you tried. We will now announce the winners!" si Mrs. Alexandra.

Pasimple kong tinignan si Mr. Damian. Parang naboboring na siya at gusto nang umuwi.

"The 3rd runner up is..." Tumigil si Mrs. Alexandra at ngumiti sa mga contestants. "Angeline Grejaldo!"

Napangiti ako at pumalakpak. It looks like Ms. Margaux isn't in the mood. Nawala na yata siya sa mood dahil sa nangyari.

Binigyan siya ng flower at sash. Pagkatapos ay muli na namang natahimik dahil i-aannounce na ang susunod na mananalo.

"The second runner up is..." Muli siyang tumigil at tumingin sa mga contestants. "Sajara Lyservo!"

Muli kong pinalakpakan ang nanalo. Ang saya saya na makita silang nananalo. Lalo na at patas ang naging husgahan.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα