Chapter 31

6.7K 64 6
                                    

Please...

Mas lalo kong pinaharurot ang kotse ko. Halos banggain ko na ang lahat mabigyan lang ako ng daan.

No. Hindi ko na kakakayanin.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot. Mamamatay ako kapag may nawala pang isa sa pamilya ko. Mamamatay ako.

Tumigil ako sa harap ng Cathedral sa Intramuros. Maraming tao. Mabilis akong bumaba at papasok na sana ako sa loob ng simbahan pero agad akong hinarang ng mga pulis.

"My dad is the hostage! Let me in!" sigaw ko at nagpumilit pumasok.

"Ma'am, delikado po. Murderer po ang nasa loo—"

"Iyon na nga! Murderer! Mapapahamak ang tatay ko!" sigaw ko pero hindi nila ako pinapasok.

Pinilit kong silipin ang sa loob at napatigil ako nang makitang ngumisi si Jonathan Villegas sa akin.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko nang makitang unti-unting dumudugo ang leeg ni Daddy dahil sa kutsilyong nakatutok sa kanya.

"Kung ako sa'yo, magpapaalam na ako sa lalaking 'to." Tumawa siya na parang baliw.

Kumuyom ang mga kamao ko. Mabilis ang bawat paghinga ko at dahan-dahang umatras.

Isa lang ang taong alam kong makakatulong sa akin.

Pagtalikod ko ay napatigil ako nang makita siya. He was staring into my eyes. Those eyes were serious. Bumagsak ang luha ko at agad na hinawakan ang kwelyo niya dahil sa panghihina.

"H-help me..."

Seryoso niyang tinignan ang simbahan at tinanggal ang kamay ko sa kwelyo niya. He then looked at me again. "This time, I will really be a murderer if I help you," he seriously said. Hindi ako nakasagot.

"Do you want me to help you?" he asked.

Si Dad na lang ang natitira kong pamilya at kapag nawala siya, hindi ko na kakayanin pa. Baka mabaliw ako... baka ikamatay ko.

Dahan-dahan akong tumango kaya binitawan niya ang kamay ko at nilagpasan ako. Mahina akong humikbi at nilingon siya.

Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at may kinuha. Nanlamig ako nang makita ang pana na regalo ni Master Lee noon sa kanya.

Napalunok ako at mabilis siyang nilapitan. Agad kong hinawakan ang kamay niya kung nasaan ang tattoo sa ibaba na kanyang siko.

"I-Ice... don't kill him... d-don't be a murderer..." I pleaded.

Hindi siya sumagot. Inilabas niya ang gold necklace niya na nakatago sa ilalim ng damit niya at pagkatapos ay tinanggal ang kamay ko sa kamay niya.

"I'll help you, Yen," he said and turned his back away from me.

Mabilis siyang naglakad patungo sa simbahan habang nagdadasal lang ako na sana walang mangyaring masama kay Daddy... at sa kanya.

Mabilis akong tumingin sa loob kahit pa hindi pa rin ako pinapapasok ng mga pulis.

"Mamaalam ka na sa peke mong tatay, Ms. Levisay!" tumatawang sigaw ni Jonathan.

Hindi ako nakasagot. Tinignan ko ang mga pulis.

"Wala man lang ba kayong gagawin para iligtas ang Daddy ko?" seryoso kong tanong sa kanila.

"Gumagawa na po kami ng paraan pero mahirap po ito dahil baka saktan niya ang Chairm—"

"He's already bleeding and you're not doing anything! Nakatayo lang kayo rito!" sigaw ko.

"Ma'am, please calm d—"

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon