Chapter 25

4.6K 65 10
                                    

"Where did you go, Yen?"

Nakatikom lang ang bibig ko. I was about to go back to hotel but he suddenly showed up in front of me. Wala akong masabi. Nakayuko lang ako habang pinipigilan ang luhang bumagsak.

I swallowed when he held my hand. Hindi ko pa rin makalimutan na minsan na niya akong sinaktan. Natatakot na akong makalapit sa kanya.

"I'm sorry..."

Hindi ako nakapagsalita.

"I'm sorry for that day, Yen. I was just hurt. Hindi ko alam kung kanino ko isisisi ang lahat... I'm really sorry. I forgot that you were also hurting."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at ngumiti. "It's okay, Dad. I'm okay now."

Niyakap niya ako. Siguro kung kagaya pa rin ako ng dating ako noon, humagulgol na ako. Nasasaktan ako ngayon dahil pati siya ay iniwan ako noong mga oras na kailangan ko ng kasama. Siya na lang ang natitirang pamilya ko pero ganoon pa ang nangyari.

"Let's go home. From now on, I'll take care of you." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatulala ako roon.

Bumibigat na naman ang puso ko. Sobrang nasasaktan na naman ako dahil kahit isa sa mga taong mahal ko at inaasahan ko ay walang nakaalam na nawalan ako ng anak.

"Let's go home, Yen..."

"I'll just... get my things." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at mabilis akong pumasok sa hotel.

I think it's better to comeback home. I'll live my life again. Tutuparin ko ang huling pabor ni Hale sa akin... hindi ko na sisirain ang buhay ko.

Tahimik na nagmamaneho si Daddy. I was just looking outside. Isang buwan pa lang ang nakakalipas kaya hindi pa masyadong nakakalimot ang puso ko. Until now, I was still thinking about him – kung ano na ba ang mga ginagawa niya, kung nasaan siya, kung kumakain ba siya at kung ligtas ba siya.

I tried to contact Master Lee and Mrs. Alexandra before but they were not answering my calls. Kahit sila ay hindi ako pinapansin.

Pagdating sa bahay ay hinarap ako ni Daddy. He then caressed my face. "I'll go with you if you want to visit your mom and your sister. Again, I'm sorry, anak. Dad was just hurt." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

And suddenly, I remembered my mindset before – we all make mistakes.

I smiled at him. "Stop apologizing, Dad. I'm really okay now." I smiled again. "Don't think about me. Kaya ko naman po mag-isa."

"I shouldn't have blamed you because it was really my fault. Ako dapat ang nag-aalaga sa iny—"

I held his hand. Lumalambot pa rin ang puso ko... lalo na pamilya ko siya, tatay ko siya. I can't just ignore him... I want to forgive him.

"Let's just forget the past, Dad. Let's start over again. You do your work and I'll do mine." I smiled. "Kayanin po natin."

Tumango siya. "I missed you, my daughter." Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at niyakap ako. Hindi ko napigilang ngumiti.

Bumagsak ako sa kama. It has been a month and I missed this room. Tumayo ako at pinagmasdan ang buong kwarto ko. Napatigil ako nang makita ang libro na ibinigay sa akin ni Ice. Ito ang libro ni Selene.

I want to laugh when I remembered what he said. He said he would take me to Selene's book signing but he left me. Lahat talaga ng pangako ay nababali.

I want to tell him that don't ever make a promise when you're happy. Nasasabi mo lang ang mga bagay na 'yan dahil masaya ka, nangangako ka lang dahil masaya ka at kapag binawi na ang lahat ng saya na 'yan... wala nang mga pangako na matutupad.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now