Chapter 21

3.6K 51 16
                                    

Kakatapos lang ng pagmomodel namin sa mga bagong designs ng damit. I was really exhausted today dahil bukod sa rumampa kami, nakipag interact din kami sa mga bigating tao kaya talagang nakakapagod. I didn't know that I was really famous here.

Wala pa ako sa hotel. I'm still with my co-models, nandito rin si Benj at Shana, pati ang mga bigating tao. We're having a drink and I can say that I'm already tipsy.

"I saw you in a magazine but you're more pretty and sexy in person, Ms. Levisay," natatawang sambit ng director ng modeling na ito. I was lost in counting how many times he said this to me. He was drunk.

Si Benj at Shana ay lasing na rin. Nasa tabi ko ang matandang director habang sa kabila ko naman ay ang isang modelo na kasabay ko kanina.

Hindi ako sumagot. Nahihilo na ako.

"I'll just go to the bathroom," I said and stood up.

Pagewang gewang akong naglalakad. I could still hear their noise because it was so loud. Lasing na nga talaga sila at sa tingin ko ay ganoon din ako.

Pumasok ako sa isang cubicle at pagkatapos ay lumabas. Naglakad ako papunta sa sink at naghugas ng kamay. And after that, I washed my face to refresh my mind. Pinilig ko ang ulo ko at huminga nang malalim.

"Ahh!" Napasigaw ako nang may biglang humila sa akin at itinulak ako sa sahig. Nakaramdam ako ng hilo nang tumama ang ulo ko sa sahig.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ang director. He laughed.

"Finally! I want to taste you, Ms. Levisay!"

Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis siyang lumapit sa akin at itinaas ang dress ko. Napasigaw ako pero wala akong nakuhang tulong.

"D-don't do this to me... don't do this to me..." nagmamakaawang sambit ko nang akmang hahalikan niya ako.

Nagulat ako nang biglang may pumasok. I moved backward when someone kicked his face. Nanghihina ako. Akala ko ay masisira na ang buhay ko kanina.

Pero napatingin ako sa lalaking tumulong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang paulit-ulit na sinusuntok ni Ice ang director. Kitang-kita ko ang dugo sa kamao niya at ang dugo sa mukha ng lalaki.

"I-Ice! Enough!" sigaw ko at lumapit pero hindi siya nakinig sa akin.

Napaatras ako nang naglabas ng kutsilyo si Ice at akmang ibabaon iyon sa dibdib ng lalaki pero agad ko siyang niyakap at humagulgol. "E-enough... please... I-I'm scared... Enough, Ice..."

Ramdam ko ang mabibilis niyang paghinga. Umiiyak pa rin ako dahil sa takot. Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya at tinignan ang lalaking ngayon ay wala nang malay.

Saglit akong napapikit at napahilamos gamit ang dalawang palad.

"Are you okay?" mahinang tanong niya kaya nilingon ko siya.

"Ice..." nakakunot-noong sambit ko sa pangalan niya. "You shouldn't have done this..." I was about to caress his face but he moved a bit. Napakunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay ayaw niyang hawakan ko siya.

"Didn't you see? I almost killed him, Yen," he coldly said, looking straight into my eyes.

"I'm an evil... you said you were scared... I scared you... and I can't forgive myself for that."

Napakunot lalo ang noo ko pero hinaplos ko ang pisngi niya. I shook my head. "I wasn't scared of you, Ice..." I whispered. "I was scared that if you killed him... you might be imprisoned again... I was scared that I might never see you again... I was scared of that."

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now