Chapter 29

7.2K 93 12
                                    

Sometimes, in our lives, we don't need love anymore, we don't need someone to stay with us because sometimes... we only need ourselves.

We used to always having someone there for us so when the most complicated things in our lives came and they were gone, we couldn't bear the sadness because we were alone. Hindi tayo sanay kasi akala natin palaging may dadating para pagaanin ang loob natin.

So now, I have learned that we have to get used to being alone so when someone leaves us... kaya na nating mag-isa. Hindi na masakit kasi sanay na tayong mag-isa.

Nasanay kasi ako na palaging may nandiyan para sa akin, nasanay ako na palaging may magpapagaan ng loob ko, nasanay ako sa isang tao. Nasanay ako sa bagay na panandalian lang kaya ngayon, 'yung nakasanayan ko... mukhang habang-buhay kong hahanapin.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko habang nagmamaneho sa tahimik at madilim na kalsada. Nakikita ko na ang dagat sa gilid.

I glanced ay my wrist watch and it's 2 am.

Pinasadahan ko ang buhok ko dahil hinahangin dahil sa pagbaba ko ng bintana.

I was just driving my car without a destination. I don't know where I'm going. I guess I'll just stop when I'm at the end of this road.

Napatingin ako sa gilid ko. May isang van at nakabukas ang mga bintana nila. Nagkakantahan sila sa loob. Sa tingin ko ay magkakaibigan sila at may outing.

Tumingin sila sa akin at kumaway kaya kumaway din ako sa kanila. Nang lumagpas na sila ay muli kong pinasadahan ang buhok ko.

Maya-maya ay may nakasabay na naman akong isang kotse. Just like me, she was alone. Her window was opened and when our eyes met, I saw the pain in her eyes. Nilagpasan na niya ako.

I took a deep breath.

Mabagal lang ang pagpapaandar ko, dinadamdam ang pagyakap sa akin ng hangin.

Tumingin ako sa side view mirror ko at may isang kotse na naman na nasa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang muntikan na niyang mabangga ang kotse ko.

"Hoy! Hindi ka ba marunong magmaneho?!" sigaw niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Ako pa ang hindi marunong magmaneho?

"I'm sorry," sabi ko na lang kaya pinaharurot na niya ang kotse niya.

Napatigil ako at huminga nang malalim.

Ganito ang buhay, nagpapatuloy lang tayo sa byahe ng buhay kahit hindi natin alam kung saan patungo ang lahat ng bagay na ginagawa natin. Titigil lang tayo sa pagpapatuloy kapag tapos na ang misyon natin sa mundo... as long as we live, there is a problem.

Life is like a ride, we will continue even if we are not sure where we are going because we have to move on. Uusad tayo kahit walang destinasyon, uusad tayo dahil kailangan.

Kagaya ng byahe, may mga makakasabay tayong mga tao. May darating sa buhay nating magpapasaya sa atin, may darating naman na pareho nating malungkot, may pinagdadaanan at may darating din na makakasakit sa atin.

But as long as there is a road, we will continue on the journey of life. We will continue to live our lives.

I took a deep breath and started the engine again. Binuksan ko ang stereo at namuo ang mga luha ko nang marinig ang kanta.

'When it gets hard
I get a little stronger now,
I get a little braver now...'

'And when it gets dark
I get a little brighter now,
I get a little wiser now...'

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now