Chapter 33

8.1K 78 12
                                    

I pushed him away, I told him to leave me, I begged him to set me free...

But why am I waiting for him to visit me?

Why am I waiting everyday?

Napatingin ako sa maliit na bintana ng kulungan. Madilim at tanging ang maliit na bintana lang ang nagbibigay liwanag dahil sa buwan na nagmumula sa labas.

Inilapit ko ang baba ko sa tuhod ko at niyakap ang dalawa kong tuhod. I made the right decision but I feel like my heart is still locked in pain. Pakiramdam ko may kulang pa.

Napatingin ako sa matandang babae na natutulog. Nakahiga siya at tanging karton lang ang hinihigaan niya.

Napapaisip tuloy ako kung anong kasalanan ang nagawa niya... pero mas napapaisip ako kung anong nararamdaman niya ngayon.

"May sakit na si lola. Matagal na siya rito. Pang habang-buhay na pagkakabilanggo ang hinatol sa kanya."

Napatingin ako sa babaeng kasama ko sa kulungan. Nakasandal ang likod niya sa pader, nakataas ang kaliwang tuhod at nakapatong doon ang kaliwa niyang siko.

Ngayon niya lang ako kinausap.

"I-ikaw? Hanggang kailan ka rito?" mahinang tanong ko habang nakayakap pa rin sa mga tuhod ko.

"20 years pero mayroon pa akong 15 years..." she said without looking at me.

"Kinaya mo?" tanong ko.

Mapait siyang ngumiti at huminga nang malalim. "Hindi ko kinaya... pero nagtiis ako. Hindi ako sumuko."

Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung kakayanin ko pero dapat kong pagbayaran ang ginawa kong kasalanan.

"Anong kaso mo?" tanong niya at tumingin sa akin.

Hindi agad ako nakasagot kaya nagsalita agad siya. "Homicide ang kaso ko... Napatay ko ang kaibigan ko."

I bit my lower lip. "Parricide..."

"Oh? Pinatay mo ang tatay mo?" namamanghang tanong niya at lumapit sa akin.

Dahan-dahan akong tumango.

"Ako rin noon, muntik ko nang mapatay ang tatay ko pero nakaligtas siya," aniya. "Anong hinatol sa'yo?" dagdag niya pa.

"Life imprisonment," seryosong sambit ko.

She took a deep breath and shook her head. "Sayang ang buhay mo. Pero hayaan mo na, isipin mo na lang mamamatay din tayong lahat," sabi niya.

"Anong kaso ni lola?" tanong ko at tumingin sa matandang natutulog.

"Pinatay niya ang asawa't-anak niya..."

Nanlaki ang mga mata ko. "H-huh? Nagawa niya 'yon?" tanong ko.

Tumango siya. "Tatlumpumg taon siya noong nakapatay siya at 35 years na siya rito sa kulungan. Kinuwento niya lang sa akin noong unang pasok ko rito. Dito na siya tumanda..."

Natulala na lang ako sa matanda. Ganito rin ba ang mangyayari sa akin? Dito na ako tatanda? Dito na ako mamamatay sa kulungan?

Mapait akong ngumiti.

I killed my own father so I deserve this punishment. Tama ang babaeng ito, mamamatay din naman kaming lahat kaya hihintayin ko na lang ang kamatayan ko.

At kahit dito na ako mamamatay, ang mahalaga napagbayaran ko sa batas ang kasalanan ko... hindi ako naging duwag.

This is my fate... kailangan ko na lang tanggapin ang nangyayari sa akin at maging malakas.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora