Chapter 28

7.7K 71 2
                                    

"Raymond Levisay... is your biological father, Yen..."

Natulala na lang ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Daddy. I asked him the truth but it's hard to accept it. He's not my father but my uncle.

Ikinuwento na ni Daddy sa akin ang lahat. That Raymond Levisay raped my mom and he got her pregnant and the child was me. Pagkatapos niyang buntisin si Mommy ay hindi na siya nagparamdam.

I finally knew why mom didn't like me... dahil ako ang dahilan ng pangbababoy sa kanya. Anak ako ng rapist...

Pero kahit ganoon, tinanggap siya ni Daddy at nagbunga ang pagmamahalan nila. Si Hale 'yon. Pero kagaya nang ginawa ni Raymond kay Mommy, ginahasa niya rin ang kapatid ko.

If someone wants to kill me, I would thank him or her.

Wala na e, hindi na kayang tanggapin ng puso ko ang lahat ng sakit. Punong-puno na, umaapaw na... nakakamatay na.

I still can't believe that I killed my own father. Kung alam ko ba noon na siya ang tatay ko, mapapatay ko kaya siya?

I'm an orphan now... kagaya ng mga batang tinutulungan ko sa orphanage. Wala na rin akong magulang.

Tahimik akong umiiyak. Wala na akong masabi. All I can do is to cry. Sobrang sakit mabuhay. Kahit saan ako pumunta, kahit saang parte ako gumalaw at kahit sinong tao ang makita ko... palagi akong nasasaktan.

I was always happy but in the end... I always found myself crying in pain.

Ayoko nang sumaya. Ayoko na maging masaya.

Hindi na ako lumabas ng bahay. Ilang beses nagtangka si Ice na puntahan ako pero hindi ko siya nilalabas. Kahit si Ethan... kahit sino sa kanila.

Walang laman ang isip ko kundi isa akong anak ng rapist.

I was just a mistake and I shouldn't have been born.

Sana nga talaga namatay na lang ako kung ganito lang ang dadanasin ko sa buhay. Masyadong naging bangungot ang buhay ko... hindi ko na mahanap ang daan para magising. Nakulong na ako sa pang habang buhay na bangungot.

Now I understand him... I understand why he left me, why he said those harsh words to me... everything... lahat-lahat ay naiintindihan ko na. Pati kung saan nanggagaling ang mga galit niya.

If I were him, I would never go back to the person who reminded me of the person who ruined my family. Our sisters' both died and our mothers' were both raped. Ang pinagkaiba lang namin... ang taong gumawa no'n ay tatay ko at ang taong gumawa no'n ay sumira sa pamilya niya.

Paano niya nasabing mahal niya pa rin ako sa kabila ng nagawa ng tatay ko? Mas mabuti pang huwag na magtagpo ang mga landas namin. Hindi ko na kayang humingi ng tawad dahil wala na akong mukha na maihaharap sa kanya.

Gusto ko na lang lumayo. Gusto ko na lang mapag-isa. Ayoko nang kumilala ng mga tao dahil ayoko nang masaktan.

I was wearing a black jacket and black biker shorts. I wore my white sneakers and went out. Malakas ang hangin sa labas at kitang-kita ko ang kalahating buwan. Tahimik akong naglakad.

Nakapasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko habang tahimik na naglalakad at nakatingin sa kalsada.

Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi tapusin na ang buhay ko. Iniisip ko na iyon na lang ang tanging paraan para makatakas ako sa lahat ng sakit.

Dahil ba sa pagpatay na ginawa ko kaya ako pinarurusahan? I was just mad. I was hurt when I saw my sister that night. Someone was raping her and I couldn't control myself... nasaktan lang ako... hindi ko pinagbayaran sa kulungan ang ginawa ko pero sa labas ng kulungan? Pinapatay na ang buong pagkatao ko.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now