Chapter 23

3.6K 46 12
                                    

Chayanne Hale Levisay

Tulala akong nakatingin sa pangalan ni Hale sa lapida. Parang mababaliw ako. She's my sister and now that she's gone... I feel like I've lost my other half.

Tinanggal ko ang dahon na bumagsak sa lapida niya. "I'm sorry if I was late... kung napaaga lang ang dating ko, kung nalaman ko agad... nailigtas kita sa kanya."

I can't help but to blame myself for everything. Bakit hindi ko man lang inalam ang nangyayari sa kanya sa Michigan at dito sa Pilipinas? Bakit wala akong kwenta.

"Rest, Hale... you've suffered enough. It's time for you to rest. I'll visit you again... I love you." Tumayo ako at pinahid ang mga luha ko.

Tutuparin ko ang huling hiling niya. Hindi ko sisirain ang career ko, hindi ko sisirain ang buhay ko.

Tumigil ang kotse ko sa kulungan. Huminga ako nang malalim.

"I'm here for Josefa Geronimo..." sambit ko sa pulis.

Tumango ito. "Follow me, ma'am."

Pakiramdam ko ay wala na akong lakas. I was calling Ice to come with me but he was not picking up his phone. Maybe he's busy.

Nakaupo lang ako sa isang kwarto na ang tanging laman ay lamesa at dalawang silya. Wala na akong mukhang maihaharap kay Nanay Sefa pero kailangan kong malaman ang kalagayan niya.

"Nay!" Agad akong napatayo nang pumasok siya. Bumagsak ang luha ko at niyakap siya.

"Nay, I'm sorry," umiiyak kong sambit.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin sa akin. Mas lalo lang akong nadurog nang ngumiti siya. "Tahan na... ayos lang ako, Yen." Pinahid niya ang mga luha ko.

Ang bigat. Ang sakit.

"Nay, I'm sorry. I'm sorry for putting you in this situation. Patawarin niyo po ako..."

She smiled again ang caressed my hair. "Hindi ikaw ang naglagay sa akin sa sitwasyon na ito, anak. Ako mismo. Gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo... huwag mong sayangin iyan."

Tears streamed down my face again. I couldn't help it. Kusang bumabagsak ang mga luha kahit anong pigil ko sa mga ito. "Ilalabas ko po kayo rito... maghintay lang po kayo, 'nay. Gagawa ako ng paraan para—"

"Ayos lang ako... ayos lang, anak. Ayos lang. Huwag ka nang magsayang ng oras sa isang matandang kagaya ko. Nagawa ko na ang mga bagay na gusto ko sa buong buhay ko... at ito? Isa ito sa mga gusto ko, ang protektahan kayo ni Hale... ang protektahan ang mga buhay niyo. Matanda na ako, Yen... tapos na akong gawin ang mga misyon ko sa buhay. Ikaw bata ka pa, gawin mo ang lahat ng makapagpapasaya sa iyo." I cried. She caressed my hair again. "Mahal kita..."

Napahagulgol ako nang tinalikuran na niya ako. Naninikip ang dibdib ko. Parang hindi ko kayang magpatuloy dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil kahit saan ako pumunta... nasasaktan ako.

"H-hale is dead..."

Napatigil sa pagpihit ng pinto si Nanay Sefa nang marinig ang sinabi ko. Mabilis siyang lumingon sa akin at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon