Chapter 32

8.2K 83 4
                                    

"Ate Yen, kumain ka muna."

Inilahad sa akin ni Angela ang isang plato ng pagkain. I smiled at her.

Finally, nadalaw ko na rin siya. Good thing that Sister Airah told me Angela's address. Ang tagal na rin simula noong nagkita kami but I'm so glad that her parents are nice. Mukha ngang masaya rito si Angela.

"Thank you," I said and started to eat.

Pinagmamasdan niya lang ako habang kumakain ako. Hinayaan muna ako ng parents niya na kausapin ko si Angela. I already talked to them when I got here at talaga namang mababait sila.

Hindi lang sinabi noon ni Sister Airah ang tungkol sa kanila dahil gusto nila ng tahimik na buhay.

"Pumayat ka, ate. Ayos ka lang ba?"

Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong niya. Hindi ako malungkot. Hindi ako nasasaktan.

But I feel so empty.

"I'm okay, Angela." I smiled at her.

Nagising ako na hinang-hina. Pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang pagtulog at ngayon lang nagising. Inilibot ko ang paningin ko at napag-alaman kong nasa ospital ako.

Napatitig ako sa kisame habang inaalala ang nangyari at agad namuo ang mga luha ko nang maalala ang ginawa ko sa bathroom.

I almost killed myself again. I tried to kill myself.

Mabilis akong napatingin sa kamay na nilaslas ko at nababalutan na ng puting benda iyon.

I took a deep breath. Nahihilo pa rin ako. Paano ako nakaligtas?

No one was there. I was just alone so what happened?

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaking doktor at babaeng nurse.

"How are you feeling, Ms. Levisay?" marahang tanong ng doktor.

"Nahihilo ako. Paano ako nakarating dito?" I asked.

"I sewed your wrist and just wait for it to heal.  Your wound was too deep so I had to sew it up, Ms. Levisay. Magpagaling ka at sana huwag ka nang bumalik dito," aniya.

I swallowed. "Who brought me here, doc?" I asked out of curiosity.

Alam ko talagang ako lang mag-isa sa bahay kaya sino naman ang magliligtas sa akin?

Ethan?

"It was your ex-husband, Ms. Levisay."

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatitig sa doktor. "Ex-husband? Pero wala akong..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang pumasok sa isip ko.

I thought he went abroad? Paanong nangyaring niligtas niya ako?

"Did he say he's my ex-husband?" I asked.

"Yes. He's the Chairman of Damian Entertainment, Iceon Damian."

Gulat na lang ang ekspresyon ko at hindi na ako nakapagsalita pa. Pagkatapos masiguro ng doktor ang kaligtasan ko ay lumabas na siya.

Napatingin ako sa maliit na table sa gilid at nakita ko ang cellphone ko.

I immediately took it and check the date. Today's December 23. One week akong walang malay? Ganoon ba kapagod ang katawan ko?

Biglang kumulo ang tiyan ko. Pinilit kong tumayo. Dinala ko sa paglabas ang bakal na sinasabitan ng Saline water. I was wearing a hospital gown but I wasn't wearing a slippers. Wala kasing tsinelas kaya nag paa na lang ako.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now