Chapter 3

4.8K 67 4
                                    

The first sip of coffee made my day complete. I stood up and stared outside. I feel like I want to sleep again because of the sound of birds chirping outside. It really calms my heart.

My hair danced as the wind embraced my body. Muli akong sumimsim sa kape at huminga nang malalim. I feel sleepy again because it was so cold, idagdag pa ang huni ng mga ibon sa labas.

I looked at my door when someone knocked on it. "Ako ito, Yen. Gising ka na ba? Inilapag ko ang kape mo riyan sa gilid ng kama mo."

I smiled when I heard Nanay Sefa's voice. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. "Nagkakape na ako, 'nay."

"Mabuti naman. Kamusta ang leeg mo?" She looked at my neck.

"Wala na po ito. Nakaalis na ba si Daddy?" tanong ko at tuluyang lumabas ng kwarto.

"Oo, maaga siyang pumunta sa opisina. Alam mo naman ang tatay mo, Yen... masyadong tutok sa trabaho ang chairman." Umupo ako nang makapasok kami sa dining area.

Like the same old days, I'm alone... but it's okay. Nakasanayan ko na rin kumain mag-isa. Sinasabi ko kay Nanay Sefa na sabayan ako kaso minsan niya lang gawin 'yon dahil marami raw siyang ginagawa kaya pinapauna na niya ako.

"Siya nga pala, anak... hinatid ka ng artista kagabi. Sino nga ulit iyon? Si Wane Castellano ba?"

Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ang sinabi ni Nanay Sefa. I almost forgot. Wane took me home last night. Napapaisip tuloy ako kung totoo ba ang sinabi niya kagabi o gusto niya lang akong maging isa sa mga babaeng nakasama niya.

Pero mahirap nang manghusga. He's a womanizer and I'm saying this because I saw it with my own two eyes... iba-iba ang babaeng kasama niya pero ayokong pag-isipan siya ng masama na baka ako rin ay isali niya sa mga babae niya...

"Opo, 'nay. He insisted," I said.

"Oh siya, kumain ka muna riyan at aasikasuhin ko ang garden," aniya kaya tumango ako.

Wane is a bad boy and sarcastic type. Nakikita ko mismo 'yon sa mga mata ko. But I could tell that he's one of a kind. Nakikita kong marunong din siyang magpahalaga sa mga tao.

Tumunog ang phone ko. May dm si Ethan sa Instagram.

@ethanreal
Good morning, Yen. I'm sorry I left without telling you. It was an urgent. My sister got into trouble.

Uminom ako ng tubig bago nagtipa ng irereply sa kanya.

@hopelevisay
It's okay. Ayos lang ba ang kapatid mo?

@ethanreal
Yes, she's fine. She's just a troublemaker. Did you sleep well?

@hopelevisay
Yep. You?

@ethanreal
Nah. My sister's giving me headache. Have you eaten?

@hopelevisay
Yup. Bye for now, I have to prepare myself. Aalis kasi ako. :)

Iyon na lamang at ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Pagkatapos ay umakyat ako sa taas at naligo. I was wearing a white sleeveless shirt, brown suit, brown shorts and light brown tacones altos. After fixing myself, I went out.

Habang nagmamaneho ay tumunog ang phone ko. Aster was calling me. I connected my phone to my earpiece and answered her call.

"So balita ko dalawang artistang lalaki ang umaaligid sayo," panimula niya.

Napailing ako kahit hindi niya nakikita. "Hindi naman sila umaaligid. Huwag kang issue, Aster," sabi ko.

"Sus! 'Te, kinuwento na sa akin ni Jerome! Wane confessed his feelings omg ganda mo!" tumili siya.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now