Chapter 4

4.2K 69 14
                                    

"I told you to take care of your skin!"

Saglit akong napapikit dahil sa lakas ng sigaw ni Benj. Hindi ako sumasagot dahil may karapatan siyang magalit. He's my manager and he wants the best for me pero hindi ako nag-iingat.

Pinisil ko ang isa kong palad at huminga nang malalim. I'll just wait for him to stop yelling at me. Matatapos din naman 'to.

"Bakit mo ba pinapagalitan si Yen? It's not like she wanted to damage her hand. Aksidente ang nangyari! Hindi niya kasalanan at kasalanan ng dalawang babae," pagsingit ni Shana.

"It's okay, Shan—"

"She should've stayed in her house! She didn't have to get some fucking fresh air! Ngayon, tignan mo ang nangyari sa kamay niya!" napayuko ako. Benj is really mad.

"Tama na nga 'yan! You're scaring her! Yen, angat mo nga 'yang ulo mo. Wala kang kasalanan." Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Jerome.

"I'm okay... this is my fault," I said and smiled.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Benj.

"At isa pa, Benj! Sinabi naman ng doktor na hindi magkakaroon ng peklat! Inaalagaan niya ang katawan ni Yen! Itigil mo nga ang ka-oa-han mo," si Shana.

Nang natapos ang sermon ni Benj ay buntong-hininga akong pumunta sa parking lot. I was about to enter my car when I saw Mr. Damian. My forehead creased when I noticed that everyone was avoiding him. Para bang takot silang mapalapit kay Mr. Damian.

For no apparent reason I just realized that my feet were already moving to approach him. Mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya kaya napatigil siya sa paghithit sa vape na hawak niya.

"Mr. Damian, are they avoiding you?" I whispered. Tumingin pa ako sa mga tao at parang ayaw talaga nilang lumapit kay Mr. Damian.

I looked at him again and he was now looking at me. Bumaba ang tingin niya sa palapulsuhan niyang hawak ko at muling nagbalik ang tingin sa mga mata ko.

"What do you think you're doing right now?" he coldly said.

That deep voice... nakakapanghina. Sobrang lalim.

Agad ko siyang binitawan nang mapagtanto na hinawakan ko nga pala siya. "A-ah... ano... I was just curio—" Napapikit ako nang padabog niyang sinarado ang pinto ng kanyang kotse nang nakapasok na siya sa loob.

Napakamot ako sa ulo at muli nang naglakad papunta sa kotse ko.

I can't stop thinking of him. People seemed so scared of him. What could be the reason? What did he do?

Pero kahit anong lamig niya ay hindi ako natatakot. I don't know why.

Pag-uwi ko sa bahay ay may dm si Ethan. I wonder what he's doing. Mukhang busy siya sa kapatid niya.

@ethanreal
Hey, Yen. Are you busy?

@hopelevisay
No. I just got home. Why?

@ethanreal
Hmmm. I just want to eat dinner with you because my family isn't here.

Napangiti ako dahil mukhang mayroon akong makakasamang mag dinner mamaya.

@hopelevisay
Sure. I'm also alone. Let's have a dinner later. :)

@ethanreal
Finally! See you later. It's my treat.

Hindi na ako sumagot. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumulala sa sofa. Bigla kong namiss si Hale. Kamusta na kaya siya? Hindi niya pa ako tinatawagan.

Napahinto ako sa pag-iisip. Bakit naman niya ako tatawagan?

I chuckled and shook my head.

Pumunta ako sa cr at isa-isang tinanggal ang mga damit ko. Binuksan ko ang gripo sa bathtub at naglagay ng pabango para bumula. Nakatulala lang ako habang nakababad ang katawan ko sa bathtub.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now