Chapter 10

3.7K 85 13
                                    

Kinabukasan ay todo sorry sa akin si Natalya. I forgave her because she was drunk last night even though I knew she wasn't sincere. I did not forgive her because she deserved to be forgiven, I forgave her because I wanted to have a peace of mind.

"Yen, do you need something? Tell me, I'll give it to you." Napatingin ako kay Dylan nang lumapit siya sa akin.

"I'm okay," I said. Tumabi siya sa akin at maya-maya lang ay dumating na si Wane. He was handling a tray of food.

"Good morning, Yen. This is your breakfast," he said and that made my brow wiggle. Bigla akong nahiya dahil pinaghanda niya ako ng breakfast.

"You didn't have to do this, Wane," nahihiyang sambit ko pero ngumiti lang siya.

"Oo nga, ba't mo pa siya dinalhan ng almusal? Pwede namang siya na ang kumuha ng al—" Nanlaki ang mga mata ko nang nilagyan ni Wane ng tinapay ang bibig ni Dylan.

Narinig ko ang tawanan ng iba. I heaved a sigh. Inis na tinanggal ni Dylan ang tinapay sa bibig niya at masamang tinignan si Wane. "Nakakalalaki ka na ah!"

"Why? Do you have a problem with that?" Wane asked so I stood up.

"Enough, Wane and Dylan. Enough." Seryoso ko silang tinignan. Nahihiya na ako dahil alam kong naiinis na sa akin ang iba. Paano ba naman, oras-oras nag-aaway ang dalawang 'to dahil sa akin.

"He started it, Yen," mariing sambit ni Dylan.

"Tama na," seryosong sambit ko. "Tama na."

"Tss!" Umupo si Wane sa tabi ni Ms. Margaux. Napabuntong-hininga ulit ako at nagpasya na lang na maglakad-lakad.

"How does it feel when two guys are fighting over you?"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong naglalakad na si Mr. Damian sa gilid ko. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakita ko na naman tuloy ang tattoo niya.

"Frustrating. I don't know if I can stop them," I said. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Why did you forgive her?" Tumigil ako sa paglalakad nang tumigil din si Mr. Damian.

"Si Natalya ba?" tanong ko.

"Yeah. She was the one who pulled your hair, right? Did you forgive her that easily?" he seriously asked.

Tumango ako. "Para hindi na humaba ang gulo."

Pinasadahan niya ang buhok niya. "Ang bait mo kaya ka inaabuso." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ka kasi nagagalit kaya akala nila ayos lang sa'yo," dagdag niya.

"Nagagalit din ak—"

"Marunong kang magalit pero hindi ka marunong magpakita ng galit. Do you think that's right? Let them know how you really feel, Ms. Levisay."

Kinagat ko ang labi ko dahil alam kong may punto siya. Kung palagi lang akong tatahimik at iintindi, aabusuhin nga ako ng mga tao. Pero mas nasanay kasi akong umintindi na lang para hindi na lumaki ang gulo.

Hindi na ako nakapagsalita. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ganoon din siya. "Oo nga pala, Mr. Damian. What's the title of the song we listened to last night? I couldn't ask you because you were so serious. I just want to know," I said.

"A little braver," he said.

Tumango-tango ako. "I liked that song. The words were comforting me." I smiled.

"Listen to that song if you're sad... Just in case I'm not there when you're sad, listen to that song."

Napatigil ako sa paglalakad. I cleared my throat and looked at him. "J-just in case you're not—what do you mean by that?" My forehead creased.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now