Chapter 26

8.5K 85 13
                                    

Mabilis akong lumabas, ni hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Nagising ang galit ko so I should avoid him because I don't want to curse him. I want to control my anger. I want to control myself so I left them.

Mabilis ang bawat paglalakad ko. Tuloy-tuloy ang pagpunas ko sa mga luha ko hanggang sa nakarating ako sa parking lot. I was about to open my car's door but someone grabbed my wrist.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ginawa. Mas lalo niyang hinigpitan iyon.

"I won't let you go, Chayenne..." he coldly said. Puno ng galit ang boses niya.

"Why? Bakit ayaw mo? Diyan ka naman magaling 'di ba?!" I yelled.

Seryoso lang ang mukha niya at halos durugin na niya ang palapulsuhan ko. Nasasaktan ako nang sobra. Pisikal at emosyonal.

"I'm not going to let you go because I'll make your life a living hell."

Napatitig ako sa mga asul niyang mata. Puno iyon ng galit. Natigilan ako sa pagpupumiglas dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay tinusok ang puso ko dahil sa mga salita niya.

Bumagsak ang luha ko.

"I... did no anything bad to you. You were the one who hurt me, Ice..." I whispered in pain.

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. "Want to know something?"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ni hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.

"I never loved you, Chayenne. Even a bit. Never."

Nanghina ako. Muntik na akong mapaupo pero dahil hawak niya ako ay nagawa kong ibalanse ang katawan ko. Literal na kumirot ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko gamit ang isang kamay.

Tumango-tango ako. "Really?" I chuckled. Patuloy na bumabagsak ang luha ko. "Why don't you just kill me, Ice? Why are you torturing me? Why are you doing this to me?!" Lumakas ang boses ko at malakas siyang tinulak kaya nabitawan niya ako.

I couldn't control myself. Narinig ko na lang ang isang tunog nang malakas na sampal ng palad ko sa pisngi niya. Napakalakas... kahit ang palad ko ay nasaktan dahil sa ginawa ko sa kanya.

"You don't need to make my life a living hell because I've been living in hell since the day you left me! You don't have to hurt me with your words because I was already hurt when you left me without even saying goodbye!" malakas kong sigaw sa kanya.

"Why did you comeback? Para saktan ako? Hindi na kailangan, Ice... matagal na akong durog, matagal na akong nasasaktan at habang buhay kong dadalhin ang sakit na 'to..." Tumigil ako at seryosong tinignan ang mga mata niya.

"I want you gone... without any traces. Without saying goodbye again. I want you gone and never comeback again. I want you gone for the rest of my life," the last thing I said and went in my car.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko. Humahagulgol ako habang walang habas na nagmamaneho. Siya 'yung nang-iwan. Siya 'yung umalis. Siya 'yung hindi tumupad sa mga pangako. Siya 'yung nanakit pero bakit parang ayos lang ang lahat sa kanya? Bakit gusto niya pa rin akong saktan?

What the hell did I do to him?

Muntikan na akong mabangga pero agad akong pumreno. Gulat na gulat ako. Napatingin ako sa paligid. Napakunot ang noo ko dahil ang daming tao. Itinabi ko sa gilid ang kotse at tinanggal ang seatbelt ko.

Pagbaba ko ay agad kong narinig ang pamilyar na tunog. Namuo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Lahat ng tao ay nakatingin sa isang banda ng mga lalaki.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now