Chapter 14

3.2K 67 7
                                    

"I'm just curious, Ice. What did you do to be imprisoned for 6 years?" I don't know what to say. We're just walking and he's quiet so I needed to ask that question. Isa pa, curious naman talaga ako.

Hindi naging madilim sa Intramuros dahil sa mga ilaw sa puno. He didn't give me a look. Kalmado lang siyang naglalakad hawak ang kamay ko.

Ano bang nagustuhan niya sa akin?

"Is it necessary to answer your question?" he asked.

Natahimik ako. Oo nga naman, nakalaya na siya. At isa pa, mukhang mabuti na siyang tao ngayon. Kailangan ko pa ba talagang malaman ang dahilan ng pagkakakulong niya?

I shook my head. "Saan tayo pupunta?" Pag-iiba ko sa usapan.

Tumingin siya sa akin. Ang asul niyang mga mata ay napakalamig kung makatingin. His name suits him well, huh?

"Honestly, I don't know where to go. I just want to be with you," he said. Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay.

Tinignan ko rin 'yon at hinila na siya para maglakad. "Gusto ko 'yung mga bagay na nagpapasaya sa akin. My weakness is unhappiness," I said.

"I will make you happy."

Napatingin ako sa kanya at natawa. "Everything will one day fade. I'm sure ikaw, sa una lang 'yan. Eventually, mag fe-fade rin ang feelin—"

"Bakit pinapangunahan mo ang nararamdaman ko?" tanong niya kaya napatitig ako sa kanya.

"Hmmm. I'm just telling the trut—"

"Hindi 'yan ang totoo, you're judging my feelings for you, Yen," he coldly said.

Napakunot ang noo ko sa kanya. "I didn't judge—"

"What do you wanna eat? I'll treat you." Binitawan niya ang kamay ko at kinuha ang phone sa bulsa ng pants niya. "May malapit na restaurant ba rito?" he asked himself while looking at his phone.

I took a deep breath and held his arm. "Bayleaf Restaurant,'' I said.

''Huh? Okay,'' he said.

Pagdating namin sa restaurant ay nauna niya akong pinaupo. ''What do you want?" I asked while looking at the menu.

"You..."

Gulat akong napatingin sa kanya. "H-huh?"

"I said you," he repeated.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.

"I want you, Chayenne."

Oh my God!

"Pagkain? Wala kang gusto?" tanong ko.

"Kung anong gusto mo," marahan niyang sambit.

Tumango na lang ako at ibinigay na sa waiter ang order namin. Kakaunti na lang ang tao dahil madaling araw na. Tumikhim ako dahil ang awkward. He was too silent so I decided to break the awkwardness.

"Hmmm... Where's your family?" awkward na tanong ko.

He took a deep breath and crossed his arms. "I'm just alone, Yen," he said.

I nodded. Itatanong ko ba kung nasaan sila? Hmmm. Maybe that's his privacy.

"Paano mo nahahandle ang company kung lahat ng tao sa paligid mo ay umiiwas sa'yo?" I asked.

Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko at itinikom 'yon dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya. His glares were serious.

"I don't need their cooperation or them themselves. I just do my work. Bakit, sino ba sila para hindi ko mahandle ang kumpanya ko?" seryosong tanong niya.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now