Chapter 17

3.3K 64 16
                                    

I can't tell them about my relationship with Ice. Ayokong sabihin hindi dahil ikinakahiya ko siya kundi dahil gusto kong protektahan ang pangalan namin pareho. I want to tell them about us when the right time comes.

Naging usap-usapan ang paghalik niya sa akin pero naglabas na ng statement si Benj at nilinis ang pangalan namin pareho.

Tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag sa akin si Wane. Agad kong sinagot iyon.

"Hel—"

"Yen, can I ask you a favor?" mabilis na sabi niya kaya saglit akong natigilan.

"Sure, Wane. What is it?" I asked him.

He was silent for a seconds so I just waited for his words.

"I want to ask for help... I want to leave this country but I can't do that because of my family's connection. Yen, pinaplano nilang ipakasal ako sa ibang babae and I don't fucking like their idea. I don't know where to stay... ayokong mahanap nila ako," mahabang sambit niya kaya napakunot ang noo ko.

Ipinapakasal siya sa babaeng hindi naman niya mahal? At sariling pamilya niya pa ang gumagawa no'n?

"How can I help you? Tell me, Wane. I'll help you," I said.

Saglit na naman akong natigilan dahil sa sinabi niya. Mukhang hindi magiging maganda kung sa cellphone lang kami mag-uusap kaya nakipagkita ako sa kanya.

I wanna help him. Marriage is not a joke. Ito na ang makapagsasabi kung sino ang makakasama mo habang-buhay at kung hindi naman pala mahal ni Wane ang ipapakasal sa kanya, his life would be miserable.

Nakipagkita ako kay Wane sa simbahan. Walang tao kaya ito ang naisip kong lugar para magkita kami.

I was wearing a gray long sleeve jacket, white ripped jeans, white sneakers and face mask. Baka makilala ako ng mga tao.

Tumingin ako sa entrance ng simbahan at nakita ko ang isang lalaking naka itim na face mask at cap. He was wearing a black fitted shirt and white jeans.

"Yen." He removed his face mask as he came closer to me.

Tinanggal ko rin ang face mask ko at pinagmasdan siya. "Are you okay?" I asked.

"I am. But I'm so sick of my family. Ikaw lang ang naiisip kong makakatulong sa akin," he said.

"No, Wane..." I said and smiled. Napakunot ang noo niya.

"Wane, I don't think I can help you... Hindi ka kasi pwede sa bahay... uhm... My mom is strict and I don't think she'll help you. But..." I stopped.

"But?"

"Let's go." Ngumiti ako at hinawakan ang palapulsuhan niya.

"Yen! Where are we going?" Hindi ko na siya pinansin. Kahit nakasakay na kami sa kotse ko ay tinatanong niya pa rin kung saan kami pupunta pero hindi ako sumasagot.

"Sino ba ang ipapakasal sa'yo?" tanong ko.

"Tsk. I don't like her," aniya kaya saglit akong napatingin sa kanya.

"Bakit gusto kang ipakasal ng pamilya mo sa babaeng hindi mo gusto?" I asked out of curiosity.

"It's for their business. Dinadamay pa nila ako sa pagpapayaman nila," inis niyang sambit kaya hindi na ako nagsalita.

"Maraming koneksyon ang pamilya ko kaya mahahanap nila ako lalo na artista ako," he said.

Tumigil ang kotse ko sa harap ng isang mansyon. Kumunot ang noo niya pero hindi na siya nagsalita.

Pinindot ko ang doorbell at ilang saglit lang ay lumabas na ang isang lalaki. Napangiti ako nang makita siya at nawala naman ang ngiti niya nang makita kung sino ang kasama ko.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora