Chapter 6

3.9K 64 25
                                    

"What brings you here, Benj?"

Sinalubong ko si Benj nang papasok siya sa bahay. Nakipag-beso ako sa kanya nang nakalapit na siya sa akin.

"I have a favor to ask you, Yen." Umupo siya at inilabas ang iPad niya.

Tumango ako at umupo rin. "What is it?" Lumapit ang isang kasambahay sa amin at naglapag ng tsaa.

"Pwede ka bang maging judge sa isang contest?" Ngumiti siya at may ipinakita sa akin.

"Judge? Ako?" Tinuro ko ang sarili ko at tumingin sa iPad niya. Kinuha niya ang tsaa at ininom 'yon at tumango.

Nakita ko ang grupo ng kababaihan na puro naka swimsuit. They're all pretty. "Sila ang mga sasali sa contest. Half a million ang prize at kotse kaya kailangan ng judge na hindi bias at ikaw lang ang naiisip ko."

My brows furrowed and I looked at him. "Are you serious? I'm a model, Benj. I'm not—"

"Apat kayo ang judge. Si Mrs. Alexandra, si Margaux, si Mr. Damian at ikaw... pumayag ka na, Yen. I need you."

Mr. Damian?

Judge rin siya?

"H-huh... uhm..." I don't know what to say. Wala naman kasi akong experience sa pagiging judge sa contest. Paano kung magkamali ako?

"I'll give you my answer tomorrow. Pag-iisipan ko pa, Benj. Ayokong sumulong agad sa bagay na hindi ko pa nararanasan. I'll think about it," sambit ko kaya lumawak ang ngiti niya.

"Okay. Next week na ang contest. Maghanda ka." Tumayo na siya. "I still have a lot of things to do. Call me tomorrow, okay? Bye."

"Judge? Kaya ko nga bang maging judge? Ang alam ko lang ay pagmomodelo." Bumuntong-hininga ako at pumunta sa kwarto ko.

Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang kasal ni Krisha at Vincent... at nang sabihin ni Mr. Damian na manatili ako sa tabi niya.

Pero kahit sinabi niya 'yon ay malamig pa rin ang turing niya sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit niya 'yon nasabi pero dahil wala siyang kaibigan, pwede naman ako manatili sa tabi niya.

I still don't know why he was imprisoned for six years pero hindi ko chineck ang background niya to find out the reason because I don't want to interfere with his life. Past na rin naman 'yon, baka nagbago na siya.

Isang linggo na rin nangungulit sa akin si Frost. Hindi ko nga alam kung totoo ba ang mga sinasabi niya sa akin pero hinahayaan ko na lang siya. Hindi ko talaga siya maalala, wala akong kilalang Frost noon kaya bakit niya ako kilala?

Humikab ako at humiga. Pinatay ko ang lahat ng ilaw at isinuot ang sleeping mask. I was about to close my eyes when my phone vibrated. Itinaas ko ang sleeping mask sa noo ko at tinignan ang cellphone ko.

There was a text message from Mr. Damian.

Mr. Damian:
What time do you wake up?

My forehead creased. Why did he ask this? Nagtipa ako ng reply.

Me:
Uhm... 7 am. Why?

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi na niya ako nireplyan. Inilapag ko na sa gilid ang phone ko at natulog na.

Nagising ako nang tumunog ang wooden LED alarm clock ko. Pinatay ko 'yon at dumilat. Itinaas ko ang sleeping mask ko at saktong nag vibrate ang phone ko.

(7:00 am)
Mr. Damian:
Good morning.

Kumalabog ang puso ko.

"G-good morning?" tanong ko. Ngayon lang siya nag good morning sa akin sa loob ng isang linggo. "What did he eat?" tanong ko dahil sa pagtataka.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ