Prologue

4K 67 9
                                    

PROLOGUE

NAKANGUSO SI Sanie habang naglalakad sa tabi ng kalsada bitbit ang mga gamit niya. Nawalan siya ng trabaho dahil sa na-bankrupt ang kompanya kung saan siya nagtatrabaho.

Kaya ngayon ay iniisip niya kung paano siya makakahanap ng trabaho lalo na nangangailangan siya ng trabaho. Katatawag lang ng kapatid niya kaninang umaga na inatake na naman ng highblood ang ama niya.

"Saan naman ako makakahanap ng tranaho nito?" Tanong niya sa hangin na akala mo naman ay may maisasagot sa kanya. Kumunot ang nuo niya nang maramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa suot niyang mini skirt. Malapad siyang napangiti nang makita kung sino ang tumatawag. "Jay! Thank god, you called. Can you help me find a work?"

"Natanggal ka na naman sa trabaho?" Hindi makapaniwalang tanong nito na ikinairap niya sa hangin. "Dalawang buwan ka pa lang sa trabaho mo tanggal ka na naman."

"Hindi ako natanggal." Aniya at napabuntong hininga."Na-bankrupt kasi ang kompanya e."

"Na-bankrupt?" Jay snorted that made her frown. "Sanie, let me tell you this, that company you're working at is a very exclusive company. What you said is impossible to happen."

"Whatever, Jay. I'm hundred percent sure that you haven't read an article yet. Why don't you read one right now?" Taas kilay niyang wika sa kausap. "Sigurado akong maniniwala ka sakin sa oras na makita mo ang balita."

"Fine, fine. Okay, so saan ka magtatrabaho ngayon?" Tanong nito na nakapagpabagsak ng balikat niya. "Bilang na lang ang mga araw mo sa apartment na tinutuluyan mo ngayon."

"Yon na nga e. Jay, i need to find a stable job. Kailangan kong magpadala ng pera kila nanay, kailangan ko rin ng pera pambayad ng renta." Naiinis na huminto siya sa paglalakad at hinintay na mag-red ang traffic lights para nakatawid siya. "God, I'm so messed up right now, Jay."

"Don't worry, i know a place." Wika nito at napakagat labi siya. "Just give me your resume, ako ng bahala--"

"Thank you, Jay, but no. Ako na ang maghahanap ng trabaho para sa sarili ko." Aniya at napabuntong hininga. "Ilang beses mo na akong natulungan saka ang dami ko ng utang sayo na hindi ko pa nababayaran. I'll find a job on my own."

"Jusko naman, Sanietta Reyes," para siyang nabingi at bahagya pang inilayo ang cellphone sa tenga nang banggitin nito any buo niyang pangalan, "kaibigan mo ko kaya malamang tutulungan kita. At yung mga utang mo sakin, kahit sa susunod na taon mo pa bayaran yon."

"Basta ako na maghahanap ng trabaho para sa sarili ko." She sigh. When the traffic light turns red, agad siyang tumawid pero para siyang naubusan ng dugo at nanlamig ang buo niyang katawan ng makita niya ang himaharurot na sasakyan patungo sa kanya. Napaupo siya sa gitna ng kalsada at ginawang proteksyon ang dalawang braso sa ulo na akala mo ay sa oras na mabangga siya ay hindi siya mapupuruhan. "Oh god!"

Mariing nakapikit ang dalawa niyang mata habang nanlalamig na nakaupo sa gitna ng kalsada. Ni wala na siyang pakialam sa nahulog niyang gamit kahit pa may babasagin don.

Lumipas ang ilang segundo at wala siyang naramdaman na kahit anong sakit sa katawan, dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Nang makita ang sarili na ayos at hindi siya nakahiga sa daan, nanghihina siyang tumayo.

Tinignan niya ang kamay niyang nangingining sa kaba. Nakahinga siya ng maluwang nang mapagtanto niyang buhay pa siya.

"I'm alive." Bulong niya sa sarili habang yakap-yakap ang sarili. Napatingin naman siya sa dereksyon kung saan nanggaling ang himaharurot na sasakayan at doon nakita niya ang sasakyan na nakahinto di kalayuan sa kanya. Naalala niyang kausap niya pala ang kaibigan kaya naman ibinalik niya sa tenga ang cellphone at nagpaaalam sa kaibigan. "Jay, I'll call you back later."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now