Chapter 16

933 28 0
                                    

CHAPTER 16

NAPABALIKWAS ng bangon si Sanie nang biglang pumasok sa isip niya ang nangyar sa kanila ni Xylyx. Tinignan niya ang sarili at namula ang pisngi nang makitang wala siyang saplot. They did it again.

Napasabunot siya sa sariling buhok at napayuko. Hinayaan na naman niya ang sarili na maakit sa binata. At ang malala pa roon ay nawalan siya ng hiya sa sarili at siya pa ang gumalaw.

The hell is wrong with Sanie?!

Inis na pinalibot niya ang paningin at napabuga ng malalim na hininga nang makitang wala ng bakas ng binata sa loob ng bahay niya. Napatingin siya sa orasan at nagulat nang makitang malapit ng mag-alas diyes ng umaga.

Nanlalaki ang mga matang bumangon siya at patakbong tinungo ang bintana na malapit sa kama niya. Hinawi niya ang kurtina at nakita ang araw.

"Ibig sabihin," nabitawan niya ang kurtina at napakurap-kurap sa kawalan, "linggo na ngayon?!"

Halos isang araw siyang tulog?!

Argh!

Kasalanan itong lahat ng lalaking iyon. Kung hindi sana siya nito pinagod edi sana hindi ganito kahaba ang tulog niya.

Naiinis na binitawan niya ang kumot na nakapulot sa katawan niya at hubad na naglakad patungo sa banyo saka naligo.

Matapos maligo, lumabas siya ng banyo na nakatapis lang ang tuwalya sa katawan. Lumapit siya sa damitan niya saka kumuha ng damit. Nang maayos na niya ang sarili saka siya lumabas ng kwarto at deretsong tinungo ang kusina.

Pero ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita kung sino ang nasa kusina.

"Anong g-ginagawa mo dito?" Tanong niya rito.

Xylyx smile at her. "Hi. I cook something for you."

Tumikhim siya bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Buong akala niya ay umalis na ang binata pero narito pa pala ito sa bahay niya at pinagluto pa siya ng pagkain.

"I don't know if this still consider as breakfast or lunch but here," pinghila siya nito ng upuan at matamis na ngumit na nakapagpabilis ng tibok ng puso niya, "sit. Kumain ka na."

"B-bakit hindi ka pa umaalis?" Gulat pa rin na tanong niya rito. Hindi siya komportable ngayon matapos ng nangyari sa kanila kahapon. "Akala ko umalis ka na kanina pa."

"Why? You don't want me here?" She don't see any emotions in his eyes as he ask that. "Sabihin mo lang kung ayaw mo kong narito, aalis ako."

"H-hindi naman sa g-ganon." Mabilis niyang wika at pili na ngumiti. "Nagulat lang ako."

He stare at her for a seconds then he smile and motion his hands to the chair he pulled earlier. "Come on, baka lumamig ang pagkain."

Tumango siya saka umupo sa upuang hinila nito. Maglalagay na sana siya ng pagkain sa plato niya nang maunahan siya nito at ito na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya.

Napatingin siya rito at nakita ang ngiti sa labi nito. Bakit ito masaya?

"Hindi ka rin ba kakain?" Tanong niya nang mapansin na wala itong kinuhang pinggan para rito. "Kumain ka na rin. Sabayan mo ko."

"Really?" Tanong nito at mabilis naman siyang tumango. "Nice."

Agad itong kumuha ng sariling plato at tumabi ng upo sa kanya. Napailing-iling na lang siya dahil sa mukha itong bata habang masayang kumukuha ng pagkain.

Capturing Her HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora