Chapter 33

310 8 0
                                    

CHAPTER 33

LUMIPAS NA ang dalawang araw at sa nagdaang dalawang araw na iyon ay sinuyo lang si Sanie ni Xylyx. At ngayon ay ayos na silang dalawa. Naiinis naman sya ngayon sa sarili nya dahil napaka-drama nya.

Hindi nya agad pinakinggan ang binata at nakuha nya pang magalit dito ng sobra e mali naman pala ang hinala nya.

Sobrang kinahihiya nya ang sarili ngayon. Sa sobrang kahihiyan ay gusto na lang nyang magpalamon sa lupa at hindi na muling magpakita sa binata.

She sigh then put her head on her table. Ni hindi na nya magawa ang trabaho nya ngayon dahil sa kahihiyang nagawa nya.

“Tanga ko naman kasi.” She wishpered to herself. Mariin nyang pinikit ang mga mata saka umayos ng pagkakaupo. “Go lang, Sanie. Lahat ng tao sa mundo may kahihiyan sa buhay. Hindi lang ako nag-iisa.”

Humugot sya ng malalim na hininga at marahan iyong pinakawalan. Kailangan na nyan tapusin ang trabaho nya dahil gusto na rin nyang magpahinga.

Hours later, natapos na rin sya sa ginagawa at dahil naka-focus sya sa ginagawa nya, ngayon lang sya nakaramdam ng gutom. Tinignan nya ang relong pambisig at napatayo nang makitang lagpas tanghaling tapat na pala.

Agad syang pumasok sa opisina ni Xylyx at naabutan nya ang binata na nakayuko. Nilapitan nya ito at hinawakan sa balikat. “Xylyx?”

“I thought you forgot that someone is waiting here.” Wika nito habang nakayuko. Nakagat naman nya ang pang-ibabang labi. She really forgot that the both of them should have eat lunch outside. Nagtaas ito ng tingin sa kanya. “I’m dying due to starvation.”

“Pasensya na. Hindi ko napansin yung oras.” Paumanhin nya rito. Bakit ba kasi hindi sya nakaramdam ng gutom kanina? “Bibili na lang ako ng makakain natin. Doon na lang ko bibili sa café para makabalik ako agad.”

Napasinghap sya nang bigla itong tumayo at humarap sa kanya. “I’ll come with you then.”
“Hindi.” Mabilis nyang sagot saka nilahad ang palad nya sa harap nito. “Bigyan mo ko ng pambili, ubos na pera ko e.”

“Sasamahan na lang kita.” Wika nito at inabot ang suit nito na nakasabit sa swivel chair. “Let’s go.”

Hinawakan nya ito sa pulsuhan upang pigilan ito. “Ibigay mo na lang sakin ang pambili at dito ka na lang. Akin na.”

Xylyx stared at her for a second then hand her the money. “Just be careful out there.”

“Xy, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko.” Ngnitian nya ito ng matamis at hinalikan ito sa pisngi. “I’ll be back in a hurry.”

Iniwan na nya ito at naglakad patungo sa elevator at hinintay na maihatid sya sa lobby. Whe she got outside the building, mabili syang pumara ng taxi at nagpahatid sa pinakamalit na café. Nang makarating sa café, agad syang nagbayad at bumaba ng sasakyan.

When she got out of the taxi, she suddenly felt a chill and like someone is watching her from afar. She roam her eyes around, but she see one. Maybe it was just her imagination.

Pinagsawalang bahala nya ang pakiramdam at pumasok sa loob ng café saka umorder ng pagkain nila ng binata. Nang makuha nya ang order agad naman syang lumabas at pumara ng taxi. Nang nasa tapat na sila ng Soreman Building, bumaba na sya agad at muli na naman nyang naramdaman ang naramdaman nya kanina.

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now