Chapter 13

920 22 0
                                    

CHAPTER 13

SABADO NGAYON at napagdesisyunan ni Sanie na manatili na lang muna sa condo niya at magpahinga. Tinatamad siya ngayon gumalaw-galaw dahil pakiramdam niya ay napakabigat ng katawan niya.

Komportable lang siyang nakaupo sa mahabang sofa habang nanonood ng movies sa tv. Kailangan niyang i-enjoy ang weekend na ito dahil balik trabaho na naman siya lunes.

Napabuntong hininga siya nang marinig niyang nag-ingay ang cellphone niya. Nababagot na kinuha niya ang cellphone sa center table saka tinignan ang caller. Nawala bigla ang pagkabagot niya nang makita ang pangalan ng ina sa screen ng cellphone.

Nakangiting sinagot niya ang tawag ng ina. "Nay."

"Ate." Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang marinig niya ang boses ng kapatid.

"Oh, Kera, napatawag ka?" Tanong niya habang may ngiti sa labi. "Nasaan si nanay?"

"Umalis, ate, kasi kukunin niya pa raw yung mga labahan ni aling Marta." Sagot ng kapatid at napatango naman siya. "Ate, kailan ka uuwi dito? Miss ka na namin ni Yako."

Her heart melted at what her sister just said. Malapit talaga silang magkakapatid simula pa noon at maliit pa lang ang mga kapatid niya ay close na silang lahat.

"Hindi ko pa alam e." Sagot niya at napabuntong hininga. "Basta uuwi ako r'yan. Nangako ako sayo diba."

"Promise yan, ate." Anito at tumango naman siya na parang kaharap niya lang ang kausap. "Dala ka ng cake dito, ate. Saka gusto ko rin ng regalo kahit cellphone lang."

"Sure. Bibilhan kita." Aniya at ngumiti ng malapad. "Gusto kong makausap si Yako, ang tagal ko ng di nakakausap ang batang yon."

"Sige, ate, sandali lang." Pansamantalang tumahimik ang kabilang linya. Ilang segundo ang lumipas ay agad niyang nailayo ang cellphone sa tainga niya. "Ate Sanie!"

"Yako, huwag kang sumigaw." Natatawang wika niya dahil sa lakas ng boses ng kapatid. "Kumusta ka na?"

"Ate Sanie, miss na kita." Anito at kahit wala ito sa harapan niya ngayon ay alam niyang nakanguso na naman ito. "Hindi ka pa ba uuwi dito, ate?"

"Sa ngayon hindi pa." She sigh. Miss na rin niya ang mga kapatid niya pero hindi pa siya makakauwi ngayon. "Huwag kang mag-aalala, bago ako umuwi r'yan bibilhan kita ng pasalubong. Ano bang gusto mo?"

"Talaga, ate?"Halata sa boses nito ang tuwa at masaya siya dahil kahit wala siya piling ng mga ito ay nagagawa niya pa rin ito pasayahin. "Kahit ano lang, ate Sanie, basta huwag niyo lang akong bibilhan ng mga pangbata."

Malakas siyang natawa sa sinabi nito. "Bakit? Hindi ka pa rin ba bata?"

"Ate Sanie, naman. 17 years old na ako kaya hindi na sakin yon pwede." Rinig niya ang mahinang pagtawa nito na ikinangiti niya. "Kahit sapatos na lang saka polo."

"Aba teka, ikaw ba may pinopormahan na riyan?" Sita niya sa kapatid at napatahimik naman agad ito. "Yako, ha. Ikaw ba tuli na ha?"

"Ate Sanie, syempre naman." Napapahiyang wika nito. "E kasi, ate, may bago tayong kapit bahay dito. Ang ganda niya tapos sexy. Matalino rin sa klase, kaya ayon, natipuhan ko."

"Asus, kaya pala talagang gusto mo ng sapatos at polo 'no." Aniya at mahinang natawa. Ang bilis talaga ng panahon. Parang dati lang ay umiiyak pa ang kapatid niyang ito dahil inaaway sa eskwelahan ngayon ay may nililigawan na. "Hindi ako tutol sa panliligaw mo, Yako. Pero siguraduhin mo lang na alam mo na ang tama at mali."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now