Chapter 29

432 17 12
                                    

CHAPTER 29

MAAGANG NAGISING sila Sanie dahil ngayong araw na sila aalis pabalik ng Manila. Tapos na ang bakasyon nila rito sa probinsya ng isang linggo at ngayon ay dapat na silang bumalik dahil may naiwan pa silang trabaho.

As of Lucas, mas naunang itong bumalik sa Manila kesa sa kanila. Kesyo sa wala na rin naman daw itong gagawin dito kaya nauna na itong umalis.

Nakakaramdam siya ng kaunting konsensya para rito dahil sa sinabi niyang tumigil na ito sa panliligaw nito sa kanya. Bago ito umalis dalawang araw ang nakakalipas ng umalis ito at kita niya pa rin ang lungkot sa mata nito.

She sigh then continue to pack her things. Nang matapos siya sa pag-aayos mga kailangan dalhin pabalik sa Manila, lumabas na siya ng silid at nagtungo sa sala.

Naroon na si Xylyx na kausap ng mga magulang niya. Tumingin ito sa gawi niya at nang makita siya ay agad itong lumapit.

"Give me your things." Kinuha nito mula sa kanya ang dala niyang bag.

"Magandang umaga, Nay, Tay." Bati niya sa magulang at hinalikan ang mga ito sa pisngi. Napatingin siya sa mga kapatid niyang magkatabi habang nakapikit. Nilapitan niya ang mga ito at tinapik sa balikat. "Kung hindi niyo naman pala kayang gumising ng maaga, dapat natulog na kayo."

Dumilat ang mga ito at nag-unat.

"Kasi naman, Ate, bakit maaga ang alis niyo?" Reklamo ni Yako at tumayo saka inakbayan siya. "Dapat tanghali na lang."

"Sira ka ba? Gusto mo bang gabi na kami makauwi?" Natatawang tanong niya at kinurot ang pisngi. "Sige na, aalis na kami. Kayo ng bahala rito sa bahay ha. Tulungan mo si Tatay sa bukid, Yako. Kera, habang wala ka pang trabaho tulungan mo muna si Nanay sa gawaing bahay."

"Sige po, Ate." Sagot ni Kera at hinalikan siya nito sa pisngi. "Ingat kayo sa daan."

"Yako, ha." Aniya at pinandilatan ito ng mata. "Umayos ka. Baka malaman ko may girlfriend ka na."

"Opo—aray! Joke lang, Ate. Joke lang." Bawi nito nang kurutin niya ito sa tagiliran. "Promise, magpapakabait na ko."

"Tama na iyan." Wika ng kanyang ina kaya naman binitawan niya na ang Kapatid. "Umalis na kayo. Baka gabihin kayo sa daan e traffic pa naman pag dating niyo sa Manila."

"Sige, Nay." Hinalikan niya ulit ito sa pisngit ganoon rin ang ama. "Sa susunod po ulit dadalaw ako."

"Isama mo na si Kuya Xy, Ate." Wika ni Yako sabay ngiti. Pinanliitan niya lang ito ng mata at agad naman itong tumahimik.

"Mauna na po kami." Ani ni Xylyx at kinuha ang mga gamit nila. Isang bag lang naman ang dala niya at ganoon din ito. "Sanie, tara na."

Tumango siya at muling nagpaalam sa pamilya saka sumunod ng lakad kay Xylyx.

"Ako ng magdadala ng bag ko." Aniya at inagaw dito ang bag pero bigo siya. "Xy, akin na yang bag ko."

"Maglakad ka na lang at ako na magdadala nito." He said then smile at her. "Just lead the way."

"Bahala ka nga."

Nauna na siyang maglakad dito at dere-deretsong naglakad patungo sa lugar kung saan nila iniwan ang sasakyan ng binata.

Inabot lang sila ng limang minuto sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa sasakyan nito.

"Mamaya ka na sumakay." Anito nang sasakay na sana siya dahil binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "Just wait for 2 minutes."

Tumango na lang siya at tumayo muna sa tabi habang ito naman ay naglakad patungo sa likod ng sasakyan at nilagay sa compartment ang bag nilang dalawa.

Nang malagay na nito ang bag sa compartment, naglakad naman ito patabi sa kanya. "I guess your parents like me."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now