Chapter 31

495 19 1
                                    

CHAPTER 31

HINDI HALOS maalis ang mga mata ni Sanie sa screen ng monitor niya. Ni hindi na niya nakain ang pagkaing inorder ni Xylyx dahil sa sobrang busy niya. Limang minuto simula makaalis ang binata kanina ay sunod-sunod ang tawag na natatanggap niya.

Lahat ng tumatawag laging hinahanap si Xylyx at nais makausap ang binata. Kaya naman lahat ng tumawag ay nilagay niya sa pending appointment para bukas at ang iba naman ay sa mga susunod na araw, ang kailangan na lang ay ang confirmation ni Xylyx.

Naipairap siya sa hangin nang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ang cellphone na nasa tabi ng keyboard niya. Kumunot naman kaagad ang nuo niya nang makitang si Lucas ang tumatawa.

Ano na naman kaya ang kailangan nito?

Wala siyang oras para sumagot ng mga tawag ngayon maliban na lang kung talagang importante iyon o galing sa mga kasosyo ni Xylyx sa negosyo.

So, answering Lucas' call is a waste of time for her. Sampu ang kailangan niyang gawan ng appointment para bukas. Lahat iyon ay kailangan niyang isingit sa schedule.

"Nasaan na ba kasi yung lalaking iyon?" Tanong niya sa sarili na hindi pa rin inaalis ang tingin sa monitor. "Bubungangaan talaga kita, Xylyx, pagdating mo rito."

Tumunog na naman ang cellphone niya at nang tignan niya ang caller ay si Lucas na naman iyon.

"Ang kulit naman nito." She was about to answer the call when the elevator door open. Napatingin siya sa elevator at nakita si Xylyx na parang may hinahabol ito. Nang makita siya nito, agad itong lumapit sa mesa niya. "Saan ka ba nagpunta? Ilang oras kang nawala, alam mo bang sunod-sunod ang tawag na natatanggap ko? Lahat iyon ikaw ang hanap."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagsalita, "Sanie, we need to talk."

"Mamaya na tayo mag-usap." Naiiritang aniya saka tinuro ang screen ng monitor niya. "Kailangan kong tapusin ito at kailangan ng confirmation mo nang maisend ko na sa mga—"

"Sanie, listen." Putol nito sa sasabihin niya. Tinignan niya ito at nakita ang pagiging seryoso sa mukha nito. "We really need to talk."

"Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" Mahinahon niyang tanong dito. "Pagkatapos ng office time natin?"

"No. This is important."

"Mas importante pa ba iyan kesa rito sa ginagawa ko?" Tanong niya na medyo bakas sa tono ang pagkairita. "Hindi mo nakikitan—"

"Goodness, Sanie. Just listen." Anito at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. "Yes, mas importante itong sasabihin ko kesa riyan sa ginagawa mo."

She take a deep breath then look at him with serious look. "Fine. But let me save this file first. Baka mawala."

Mabilis niyang sinave ang file na ginagawa niya saka muling humarap dito. "Ayos na."

"Great." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa opisina nito. Dinala siya nito sa sofa na nandoon at pinaupo. Naupo naman ito sa kaharap niyang sofa. "You need to listen to me, very carefui, okay?"

"'Kay." Maikling sagot niya. "Tungkol saan ba ang paguusapan natin?"

"This is about Lucas." Sagot nito na bahagyang ikinalaki ng mga mata niya. What's with Lucas? "So, I asked my friend to check Lucas' background and—"

Capturing Her HeartOn viuen les histories. Descobreix ara