Chapter 17

860 25 4
                                    

CHAPTER 17

NAPANGITI SI Sanie habang nakatitig sa cellphone niya. Nasa Soreman Inc. siya ngayon pero wala siyang gagawin kaya napag-isipan niya na lang na manood ng movie sa cellphone niya.

She's taking her time watching a movie to forget what happened last night after Xylyx brought her home. Bago ito umalis sa labas ng condo niya ay hinalikan siya nito sa labi kahit pa nga ba ay may ibang tao na naglalakad sa hallway kung nasaan ang unit niya.

Sobrang kahihiyan ang naramdaman niya kagabi hanggang ngayon. Well, dapat kalimutan niya na iyon para hindi na siya makaramdam pa ng kahihiyan dahil sa oras na maramdaman na naman niya iyon baka gustuhin na niyang magpakain sa lupa.

Tinapos na niya ang pinapanood saka tumayo at nag-unat. She's craving for a hot latte. Kinuha niya ang sticky note na nasa gilid ng computer niya saka may sinulat don.

She wrote, I just want to buy a hot latte. Be back in a minute.

Idinikit niya ang sticky note na may sikat sa screen ng computer bago kinuha ang wallet sa bag saka naglakad palapit sa elevator.

Marunong siyang gumawa ng hot latte pero ayaw niyang pumasok sa loob ng mini kitchen at magtimpla dahil baka maalala niya lang ang nangyari sa kanila doon ni Xylyx.

At iniisip niya rin na baka bigla na namang pumasok ang binata sa mini kitchen at mangyari ang dapat hindi mangyari lalo na present ito ngayong araw sa trabaho.

Pilit niyang inalis sa isip ang mga ayaw niyang mangyari ngayong araw. Gusto niya lang muna ngayon ng hot latte at ng cheesecake. She's craving for it.

Nang bumukas ang elevator, agad siyang lumabas at umalis sa loob ng building. Tumawid siya at pumasok sa loob ng cafe na kaharap lang ng Soreman Inc.

"Good morning, ma'am." Nakangiting bati sa kanya ng clerk nang makalapit siya sa counter kung saan ka oorder. "What's your order?"

"One hot latte and a cheesecake, please." Aniya at inabot rito ang debit card na dala niya. Kinuha iyon ng babae at binalik sa kanya nang matapos. "Thank you."

Umalis siya sa counter saka naghanap ng mauupuan. Wala naman ganoong katao sa loob ng cafe kaya maraming bakanteng upuan ngayon. Umupo siya sa upuan na malapit sa glass wall. She really likes the seat near the glass wall. Pakiramdam niya ay nakakahinga siya ng maluwang kahit wala namang pumapasok sa hangin sa glass wall.

Dalawang minuto lang ang hinintay niya baho dumating ang inorder niya. Pinasalamatan niya ang nagdala ng order niya saka sumimsim ng latte.

Delicious.

Napako ang tingin niya sa book shelf na ilang metro lang ang layo sa kinauupuan niya. Tumayo siya at lumapit doon saka kumuha ng isang libro na gusto niyang basahin.

Bumalik siya sa upuan niya at sinimulang basahin iyon habang kumakain ng cheesecake at sumisimsim ng latte.

She's enjoying the vibe she was with when a familiar voice cover her ears.

"What a coincidence." Nagtaas siya ng tingin at nakita si Lucas na malapad na nakangiti sa kanya. She smile back at him. "Anong ginagawa mo dito?"

"I was craving for hot latte so decided to come here. Besides, katapat lang naman nitong cafe kung saan ako nagtatrabaho." Sagot niya at malapad na ngumiti. She wants to be alone right now but she don't want to be harsh to him. "Ikaw ba, anong ginagawa mo dito?"

"Well, may pinuntahan kasi akong kaibigan na malapit lang din dito. Medyo nagutom ako taps nakita ko 'to so i stop by." Sagot nito. Tinuro nito ang bakanteng upuan sa harap niya. "Can i sit here?"

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now