Chapter 14

926 34 6
                                    

CHAPTER 14

PABAGSAK NA naupo si Sanie sa mahabang sofa at paunti-unting napahiga. Katatapos niya lang maglinis ng bahay niya at hindi pa siya nakakapagluto para sa pananghalian niya.

"Nakakapagod." Bulong niya sa hangin at napabuntong hininga.

Umupo siya sa sofa saka kinuha ang remote ng tv at nanonood. Pakiramdam niya talaga ay sobrang boring ngayong araw. Para bang may kulang.

Ipinilig niya ang ulo saka itinuon ang atensyon sa pinapanood. Napatingin siya sa pintuan ng kanyang unit nang marinig niyang tumunog ang doorbell.

Kunot nuong tumayo siya at tinungo ang pinto upang pagbuksan ang nasa labas. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. Si Jayaen ay busy ngayong araw dahil may gagawin daw itong mahalaga. Sino naman kaya ang bisita niya ngayon?

Agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang taong nasa labas.

"X-Xylyx?" Ngumiti ito sa kanya. Mabilis niyang isinara ang pinto sa mismong mukha nito saka tumakbo papasok ng kwarto niya. "Bakit ngayon pa siya pumunta dito?"

Nang makapasok siya sa loob ng kwarto niya ay kaagad niyang tinignan ang sarili sa salamin. Ang dungis niya. Hindi siya makapaniwalang humarap siya sa binata na madungis ang mukha niya.

Kinuha niya ang suklay saka inayos ang buhok at naglagay rin ng kaunting pulbo. Tinignan niyang muli ang sarili sa salamin bago lumabas at bumalik sa pintuan saka binuksan muli ang pinto.

"Did you just shut the door right at my face?" Tanong nito na kunot ang nuo habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "That was mean."

"I know, I'm sorry." Aniya at napakagat labi. Bakit siya nahiya kanina sa sariling mukha nang makita niya ang binata? Hindi naman siya ganito noon. "Ano palang ginagawa mo rito?"

Tinaas nito ang kamay nitong may hawak na isang paper bag na ikinakunot naman ng nuo niya. "This is yours, right?"

Nagdadalawang isip niyang kinuha ang paper bag saka iyon binuksan. Her eyes automatically widen in shock when she realizes what's inside the paper bag.

It's her dress. Ito ang dress na sinuot niya noong kaarawan ni Vaile at pinaalala nito sa kanya ang nangyari sa kanila ng binata sa bahay nito. Her cheeks heat up and she knows that her cheeks right now is like a red tomato.

"Remember something?" Tanong ng baritonong boses nito. Nag-angat siya rito ng tingin at nakita ang nakakaloko nitong ngisi. "Something dirty maybe."

She shake her head as her cheeks heat up more. "N-nothing." Huminga siya ng malalim bago pilit na ngumiti. "By the way, salamat sa pagbalik nito sakin."

Isasara na sana niya ang pintuan nang bigla nitong iharang ang paa sa pinto kaya kaagad niyang binuksan ang pintuan.

"Isn't it mean if you don't let your guest come in inside your house?" Tanong nito. Their eyes met and she see an emotion she's familiar with. "Mind letting me in?"

Bakit iba ang naiisip niya sa tanong nito?

No. No. Bad brain.

Napabuntong hininga siya saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Wala naman sigurong mangyayari kung papatuluyin niya ang binata sa loob ng unit niya. Kailangan niya lang ito layuan.

"Thanks." Anito nang makapasok ito sa loob ng unit niya. "Have you eaten?"

"No." Sagot niya. Tinuro niya ang sofa para paupuin ito. "Umupo ka muna. Maliligo lang ako.

Hindi na niya hinintay na sumagot ito at agad siyang pumasok sa loob ng kwarto niya. Nang maisara niya ang pinto, napasandal na lang siya don at napahawak sa dibdib kung nasaan ang puso niya.

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now