Chapter 26

448 10 2
                                    

CHAPTER 26

NANG MAGISING si Sanie wala na sa tabi niya si Xylyx. Nasa isip niya na baka maaga itong lumabas ng kanyang silid upang hindi ito mahuli ng kanyang ama.

Natawa siya sa kanyang naisip. Umiling-iling siya bago bumangon at inayos ang kanyang higaan. Pumasok siya sa loob ng banyo at naligo, pagkatapos mag-ayos lumabas agad siya ng kanyang silid.

Dumeretso siya sa kusina para makita na wala roon si ang kanyang ama, si Xylyx at Lucas.

"Good morning, Nay." Bati niya sa ina at nginitian niya naman ang dalawang kapatid. "Nasaan sila Tatay?"

"Nagpunta sila sa Tito Berth mo." Sagot ng kanyang ina habang nilalapag nito isa-isa ang kanilang almusal. "Kumain na kayo."

"Ano naman pong gagawin nila roon?" Kunot nuong tanong niya. "Pati sila Xylyx sinam pa po ni Tatay."

"Hihiram daw si Tatay ng kalabaw e." Sagot ni Yako na kumakain na.

"Kalabaw?" Napatingin siya sa kapatid niya at tumango ito. "Bakit? May dalawa ng kalabaw si Tatay ah."

"Syempre Ate, para yon kila kuya Xylyx at kuya Lucas." Sagot naman ni Kera tapos tumawa pa. "Narinig ko usapan nila kanina na tutulong daw silang dalawa sa bukid e."

"Aba nga naman ano, napakabuti ng mga manliligaw mo, anak." Wika ng kanya ina kaya naman napatingin siya rito.

"Nay, hindi ko po sila manliligaw." Depensa niya at kumuha na rin ng makakain. "Mga kaibigan ko sila."

"Asus, sa tingin ko Ate, hindi ganoon ang tingin ng dalawa sayo." Sabi ni Kera.

"Kaya nga Ate." Sang-ayon naman ni Yako. "Tingin pa lang nila kakaiba na e."

"Ano ba kayo, ang babata niyo pa pero may nalalaman na kayong ganyahan ha." Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago tumingin sa kanyang ina. "Nga pala, Nay, sabado ngayon kaya malamang po mamimili na naman kayo sa palengke. Samahan ko na po kayo ha."

"Maraming salamat, anak." Nakangiting pasalamat ng kanya ina at ngumiti rin siya rito. "Kera, Yako, mag-linis kayo ng bahay. Lalo na ng mga kwarto niyo."

"Opo." Sabay na sagot ng mga kapatid niya.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang marinig nila ang boses ng kanyang ama. Mabilis siyang lumingon sa pinto ng kusina at sakto naman na pumasok sila Xylyx at Lucas na medyo pawis ang nuo.

She look at Xylyx and tap the seat beside her. Naintindihan naman nito ang nais niyang ipahiwatig. Agad itong lumapit sa kanya at umupo sa tabi.

Si Lucas naman ay umupo sa kaharap niyang upuan at ang ama niya ay mismong upuan nito.

"Ayos ka lang?" Tanong niya rito. Binigyan niya ito ng maiinom. "Here."

"Thanks." Nginitian siya nito bago ininom ang bigay niyang tubig.

Inabutan niya rin ng tubig si Lucas dahil baka isipin ng pamilya niya ay laging si Xylyx ang inaasikaso niya.

Lucas smiled at her. "Thank you."

Ngumiti siya rito at pinagpatuloy ang kinakain.

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now