Chapter 2

1.2K 40 0
                                    

CHAPTER 2

"SANIE, PABIGAY naman 'to kay Sir Xylyx." Pakiusap sa kanya ng katrabaho niya na naging matalik na rin niyang kaibigan. "May gagawin pa kasi ako."

"Ano ba yan?" Tanong niya at kinuha ang folder na inabot nito sa kanya. "Panibagong report na naman? Hindi kakapasa mo lang last week?"

"Sa marketing department naman yan. Pinaabot lang sakin." Sagot nito at malapad na ngiti. "Thanks, Sanie. You're the best."

"Ned!" Tawag niya sa pangalan ng kaibigan pero tinaas lang nito ang kanang kamay habang tumatakbo sa papasarang elevator. Napailing-iling na lang siya at inayos ang gamit sa desk. "Panira ka talaga ng araw Sir Xylyx."

Nang maayos ang gamit dinala niya ang dalawang folder na ang isa ay may lamang report at ang isa naman ay kontrata sa bibilhin nitong lupa.

Napabuntong hininga muna siya bago tinungo ang elevator at hinintay iyong bumukas saka sumakay at nagpahatid sa lobby. Nang makarating sa lobby agad siyang lumabas at pumara ng taxi saka nagpahatid sa Xeer Village.

Inabot siya ng halos isa't kalahating oras sa daan dahil sa traffic at sa sobrang bagal magmaneho ng nasakyan niyang taxi. Nagbayad siya sa taxi saka tinunga ang guard house na nasa gitna ng gate.

Kailangan niya munang magpakita sa guard para papasukin siya.

"Hi, Kuya Guard." Masayang bati niya sa bantay na guard at lalo siyang natuwa nang makitang kakilala niya pala ang nagbabantay ngayon. "Manong Dante, kayo ho pala ang bantay ngayon."

"Oh, Miss Sanie." Ngumiti ito nang makita siya at nilapitan agad siya. "Si Sir Xylyx na naman ho hanap niyo ano?"

"Hay nako, Manong Dante, paano ba naman hindi na naman pumasok." Wika niya habang hinahanap ang chocolate bar na nilagay niya sa should bag niya bago siya umalis. "Ewan ko ho ba sa amo kong yon. Sobrang tamad."

"Pero mabait naman ho, hindi ho ba Miss Sanie?" Anito at binigyan siya ng makahulugang ngiti.

"Manong Dante, huwag niyo ho akong bigyan ng ganyang ngiti. Nakakairita ho." Wika niya saka inabot rito ang chocolate bar. "Hayan Manong Dante, kainin niyo ho yan. Masarap yan."

"Miss Sanie, dapat hindi na kayo nag abala." Napakamot batok ito habang inaabot ang chocolate bar. "Ah oo nga pala, hinihintay pala kayo ni Sir Xylyx."

"Ako?" Nagtatakang tanong niya. "Bakit daw?"

Pumasok ito sa loob ng guard house saka binuksan ang gate. "Wala hong sinabi kung bakit."

"Sige, Manong Dante, salamat ha." Nginitian niya ito saka pumasok sa loob ng Village at sumakay sa golf cart at nagmamaneho patungo sa bahay ng amo niyang ubod ng tamad.

Ilang beses na siyang nakakapunta dito sa village pero hindi niya talaga mapigilang humanga sa magagandang bahay na nakatayo rito. Tahimik ang buong paligid at ni isang dumi wala siyang makita.

Ilang minuto siyang nagmaneho ng golf cart bago siya makarating sa bahay ni Xylyx. Simple ang bahay nito pero masasabing mamahalin agad ang disenyo. Doon siya hanga sa amo niya. Tamad nga ito pero asenso naman sa buhay at mabait din gaya ng sabi ng guwardiya sa kanya. Hindi rin nito pinagmamayabang sa lahat ang yaman nito.

Bumaba siya sa golf cart saka nilakad ang gate na ang taas ay sa bewang niya lang. Hindi iyon nakalock kaya agad siyang nakapasok. Tinungo agad niya ang pinto ng bahay saka pinindot ang doorbell ng dalawang beses.

Lumipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Xylyx na may magulong buhok at mukhang bagong gising.

"Uso naman siguro magsuklay dito, Sir Xylyx, ano?" Sarkasmong tanong niya at napairap sa hangin.

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now