Chapter 27

383 12 1
                                    

CHAPTER 27

NANG MATAPOS silang lahat kumain, tinulungan ni Sanie ang kanyang ina na ayusin ang pinagkainan nila habang ang kanyang ama at sila Xylyx at Lucas ay pinagpahinga muna nila.

"Excuse po." Napatingin silang lahat kay Lucas. "Pwede po ba gumamit muna ako ng banyo bago magsimula?"

"Yon lang pala e, sige." Ani ng kanyang ama sabay tingin kay Yako na nakatayo sa tabi niya. "Yako, samahan mo muna ang kuya Lucas mo sa banyo."

"Sige po, Tay." Agad na tugon ng kapatid niya. "Tara Kuya, sunod ka lang sakin."

"Mag-ingat kayo." Pahabol niya bago tuluyang makalayo ang mga ito. Humarap siya kay Xylyx na nagpapahinga sa gilid niya. "Ikaw, Xylyx, hindi ka ba gagamit ng banyo?"

"No, I'm good." Anito at ngumiti.

Tumango na lang siya saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng pinagkainan nila. Nang matapos silang mag-ayos umupo muna siya sa tabi ni Xylyx habang ang ina niya ay kausap ang kanyang ama.

"God, my back hurts so much." Bulong ni Xylyx pero sapat ba upang marinig niya. Mahina naman siyang natawa. "Buti sanay na ang Tatay mo sa ganitong trabaho."

"Simula bata pa si Tatay tumutulong na yan dito sa bukid kaya sanay na sanay na yan si Tatay." Aniya saka pinunasan ang kauntong pawis sa nuo nito. "Tamad ka kasi kaya mabilis kang mapagod."

"Thank you for being honest, Sanie." He sarcastically said which made her laugh. "I'm sure tulog agad ako nito mamaya."

"Just try to enjoy it." Wika niya saka tumayo habang nakatingin dito. "Minsan kapag nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo hindi mo mararamdaman na pagod ka."

He sigh. "Sanie, tirik na tirik ang araw. Do you think I can enjoy this?"

She pinched his chick and he hissed in pain. "Ang negative mo kasi."

He just look at her then sigh again.

"Tay! Ate!" Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata niya nang makitang akay-akay ni Yako si Lucas na bakas sa mukha na may masakit rito.

"Lucas." Tawag niya rito at agad na nilapitan ito at inalalayan. "Anong nangyari? Ayos ka lang?"

"I didn't saw the rock so I tripped. But I'm fine, I think." Sagot nito. Tinulungan niya itong makaupo sa cottage. "My foot hurts."

"Let me see." Lumuhod siya sa harap nito upang tignan ang paa nitong medyo namamaga. "It's swollen." She stands up and look at her father with worry look in his eyes. "Tay, kayo na po munang bahala rito. Uuwi po muna kami para magamot ko ang paa ni Lucas."

"Oh, sige. Pagpahingahin mo muna siya." Wika ng kanyang ama.

Tumingin siya kay Yako na nakatayo sa gilid ni Lucas. "Yako, tulungan mo muna sila Tatay dito ha."

"Sige po, Ate. Ako ng bahala."

"Oh, halika na kayo nang magamot na iyang paa mo." Ani ng kanyang ina. Tumango siya saka inalalayang tumayo ang binata.

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya rito.

"Yeah."

Hindi na niya nilingon si Xylyx kahit ramdam niya ang titig nito sa kanya. Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Kailangan niya munang asikasuhin ang binata. Nakakaramdam tuloy siya ng pagsisisi dahil sinama niya pa ito rito sa probinsya nila.

HINDI NAALIS ang paningin ni Xylyx sa papalayong bulto ng dalaga habang akay-akay nito si Lucas. His blood is boiling with anger but he need to keep it for his self.

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now