Chapter 22

779 22 0
                                    

CHAPTER 22


NAKANGITI SI Sanie sa harap ng salamin habang inaayos ang sarili. Today is the day they're going to their province. She's so excited to see her family. Its been a while.

Halos dalawang taon na siyang hindi nakakauwi sa kanila dahil busy rin siya sa trabaho. Kung noon ay buwan-buwan nakakauwi siya sa kanila kahit pa may trabaho na siya, pero paglipas ng isang taon nawalan na siya ng oras dahil sa daming trabaho at dahil na rin sa nag-iipon siya noon.

At ngayon, makakauwi na ulit siya sa kanila. Kung kaya niya man pabilisin ang oras ay gagawin niya para makasama niya na ang pamilya niya pero dapat siyang maghintay.

Nang matapos siya sa salamin lumabas na siya ng kwarto at naabutan si Xylyx na komportableng nakaupo sa mahabang sofa habang nanonood.

Yes, talagang dito ito natulog. At ang nakakagulat pa ay ready na ang mga gamit na dadalhin nito. Shocking.

"Hoy, señorito, tumayo ka na riyan." Aniya at nilapitan ito at siya na mismo ang nagpatay ng tv. "Hindi ba sumasakit ang puwitan mo kasi kanina ka pa nakaupo?"

"Honey, I'm used to it. Baka nakakalimutan mong buong araw akong nakaupo sa opisina." Anito saka tumayo at humarap sa kanya. She can smell his manly scent again. "So, aalis na tayo?"

"Syempre. Mahaba pa ang byahe 'no." Sagot niya. Tinanggal niya lahat ng mga nakasaksak para makasigurado siya. Siniguro niya rin na nakasara lahat ng bintana. Kahit matataas na building ngayon napapasok na rin ng magnanakaw. Kailangan niyang maging sigurado sa lahat. "Halika na. Hintayin natin sa parking si Lucas."

"Wala pa ba siya?" Tanong nito. Tinignan niya ito at hindi na nagulat nang makita na wala na naman itong emosyon sa mukha. "He's not a VIP after all."

"Bakit ba ang sungit mo pagdating kay Lucas?" Kunot nuong tanong niya. "Mabait naman siya e. Hindi ko alam kung asar ka ba sa kanya o trip mo lang."

"Because he's annoying." Anito. Annoying ka rin naman pero hindi ko sinabi. Tsk. "I know I'm annoying too, pero nakakainis pala kapag mas may nakakainis pa sakin."

She laugh at that. "Now you know."

"Know what?"

"Na nakakainis ka at kung gaano nakakainis ang mga taong tulad mo." Sagot niya habang tumatawa. Nang makalabas sila ng unit niya, inilock niya ng mabuti ang pinto. "Pero seryoso, wala namang nakakainis kay Lucas bukod na lang sa bigla-bigla siyang susulpot kung saan-saan."

"That's what i meant." Wika nito at napabuntong hininga. "Yun ang nakakainis sa kanya. Kung nasaan ka susulpot din siya. Para siyang stalker."

"Hoy, huwag kang ganyan kay Lucas." Aniya. Nagsimula na ulit silang maglakad papuntang elevator. "Subukan mo kasing kaibiganin si Lucas para malaman mong mabait siya."

"We're not compatible." He said. Nakarating sila sa elevator at hinintay iyong bumukas. "Besides, i have enough reason to not be friends with that guy."

"And what reason is that?" Taas kilay niyang tanong. "Valid reason ba yan?"

"For me, yes, its a valid reason." Sagot nito. Mukhang seryoso ito ngayon dahil wala siyang nakikita na biro sa mukha nito. "I don't like him. That's my reason."

"Tsk, i know you'll like him soon." Siguradong wika niya saka ngumisi. "Alam mo, bagay kayong dalawa. Yung mga nakikita ko sa mga bl videos or series, pareho silang gwapo."

"What the actual shit are you talking about?" Tanong nito na bakas sa mukha ang pagkairita. She laugh. "Its not funny. Hindi ako bisexual para mahulog sa kapwa ko lalaki."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now