Chapter 21

889 34 6
                                    

CHAPTER 21

THREE WEEKS. Lumipas ang tatlong linggo and two days from now is her sister's graduation. Bukas na sila aalis. Talagang gusto ni Xylyx na sumama sa kanyan sa probinsya nila.

Kahit pa ilang beses na niyang pinigilan ito at sinubukan na rin niyang baguhin ang desisyon nito pero wala namang nangyari. Gusto pa rin nitong sumama. Kaya hahayaan na lang niya ito sa gusto.

Bakit ba kasi gusto niya pang sumama? Wala naman siyang gagawin dum e.

Napabuntong hininga na lang siya at tumayo sa swivel chair saka naglakad patungo sa mini kitchen para kumuha ng tubig.

Pagbukas niya ng pintuan ng mini kitchen agad siyang napahinto at napatunganga nang makita si Xylyx na may hawak na baso at nakatingin din sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong. Tinuro niya ito at tinuro rin ang dereksyon ng opisina nito. "Paanong... Bakit hindi kita nakitang lumabas?"

"Nakatulala ka kasi kanina kaya hindi mo ako napansin. Sinubukan nga kitang tawagin pero hindi mo yata ako narinig." Sagot nito at ngumiti. Pinakita nito ang hawak nitong baso sa kanya. "You want some? I'll make you some coffee."

"Tubig lang ako." Aniya at tuluyang pumasok sa loob ng mini kitchen. Masyado nga talaga yata siyang tulala kanina.

She smile to herself. Wala na siyang nararamdamang hiya ngayon hindi tulad noon na kulang na lang ay magtago siya sa kung saan. Well, tatlong linggo na rin ang lumipas at sa tuwing naiiwan silang dalawa ni Xylyx lagi na lang siya nitong minamanyak.

"Ano bang iniisip mo kanina?" Tanong nito. Tinignan niya ito na komportableng nakaupo sa upuan. "Parang ang lalim ng iniisip mo."

"Excited lang ako bukas." Aniya at malapad na ngumiti. Totoo namang excited na siya bukas. Makikita na ulit niya ang pamilya niya. "Miss ko na sila tatay at nanay e. Lalo na mga kapatid ko."

"Excited na rin ako." Wika nito kaya naman masamang tingin ang pinukol niya rito. "What?"

"Bakit ba gusto mong sumama ha?" Mataray niyang tanong at bahagya pa itong inirapan. "Wala ka namang gagawin dun. Baka sirain mo lang celebration."

"I told you already, gusto kong magpahinga at umalis dito sa syudad. And remember, i want to see your sister graduate and how happy and proud you are." He said with his most sweet smile. Her heart just do a backflip. "And don't worry, hindi ko sisirain ang celebration."

"S-siguraduhin mo lang." Pagbabanta niya at pinakita rito ang kamao. "Kundi masusuntok kita."

He laugh. So handsome. "I'm scared of you, hon."

Namula bigla ang pisngi niya nang banggitin nito ang endearment nito para sa kanya. For the pass three weeks, walang araw na hindi siya nito tinawag sa endearment na iyon. At hanggang ngayon hindi pa rin siya sanay. Pakiramdam kasi niya ay magkasintahan silang dalawa.

"Huwag mo nga akong tawagin n'yan." Aniya at nag-iwas ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi. "By the way, maaga aalis akong ngayon kasi bibili ako ng regalo para sa kapatid ko."

"Nice. I'll come with you." Wika nito saka inubos ang iniinom nitong kape. Hindi ba ito napaso dahil parang tubig lang rito ang kapeng iyon? "Lets go."

"Teka, bakit ka sasama?" Kunot nuong tanong niya habang nakatayo na silang dalawa. "Kaya ko namang bumili mag-isa."

"I know pero gusto ko rin bumili ng regalo sa kapatid mo." Anito at pinagsiklop nito ang kamay nila. Her heart just do a backflip again. "Come on."

Masuyo siya nitong hinila palabas ng mini kitchen at huminto lang sila sa labas ng opisina nito. Humarap ito sa kanya. "I'll be back. Kukunin ko lang wallet ko."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now