Chapter 4

1K 41 2
                                    

CHAPTER 4

"ANO BA kasing ginagawa mo dito?" Kanina pa tinatanong ni Sanie si Xylyx pero hindi naman ito sumasagot at nanatiling nakaupo at nakasandal sa sofa. "Sir Xylyx, naman. Bakit hindi ka pa umuwi ha?"

Xylyx open his eyes and met hers. His eyes is really breath taking. His emerald eyes can drew any woman with just one gaze. But she's different from any woman who's into this guy. She knows better than his breath taking eyes. He's a playboy who can play with women's heart. And she's not a fool to fall for this guy.

"I know I'm handsome, Sanie." Wika nito kaya naman nagising ang isip niya sa pag-iisip ng kung ano-ano. "Done staring?"

"Kapal mo. Hindi kita tinititigan, ano." Depensa niya saka binigyan ito ng masamang tingin. "Saka hindi ka rin gwapo."

"You just hurt my ego." Umasta itong nasasaktan kaya naman mas lalo lang siyang nainis. "Say sorry to my ego, Sanie."

"Your ego sucks." Aniya saka inirapan ito at tumayo. "Hindi ka pa ba uuwi? Ilang oras na lang magdidilim na."

"Samahan mo muna ako sa mall." Ani nito na ikinakunot ng nuo niya. "Saglit lang tayo."

"Malapit ng maggabi tapos pupunta ka pa sa mall." Kunot ang nuo na sabi niya rito saka nameywang. "Pwede pa naman bukas, hindi ba?"

"Tomorrow is my friend's birthday so i want to buy a gift for her." Wika nito saka tumayo. "Samahan mo lang ako mamili ng regalo then we'll go home."

"Saglit lang?" Taas kilay niyang tanong rito. He nod. "Sige. Teka, magbibihis lang ako. Dito ka lang."

Pumasok siya sa loob ng kanyang silid upang magpalit ng maayos na damit. Pumayag siyang samahan ito para mawala na sa paningin niya ang lalaki at makapagpahinga na siya.

Akala ba naman niya makakapagpahinga siya ng maayos kaso biglang dumating ang lalaking ito.

Bwisit.

Nagsuot lang siya ng hoodie at nagpantalon saka pinaresan niya iyon ng rubber shoes na kulay abo. Tinali niya ang may kahabaang buhok saka lumabas ng silid.

Naabutan niya ang binata na nakaupo sa sofa at nakasandal ang likod habang nakapikit ito. Natutulog ba ito?

Nilapitan niya ito at mahinang niyugyog. "Sir Xylyx? Gising."

"Hmn." He moan then open his eyes. Tinignan siya nito at inayos ang suot saka tumayo. "You're ready?"

She gave him a 'really' look before nodding. "Tara na."

Sabay silang lumabas ng unit niya at siya na ang naglock ng pinto saka nagtungo sa elevator. Hinintay nilang iyong bumukas saka sumakay at nagpahatid sa lobby.

"Gusto ng kaibigan ko na isama ka sa birthday niya." Wika nito nang makasakay sila sa loob ng elevator. "So you should come."

"Ayoko." Pagtanggi niya.

"She invited you, so you should come." Anito kaya naman napatingin siya rito. He's serious. "Gusto niya lang makipagkaibigan."

"Wala akong susuotin sa ganyang okasyon." Wika niya saka napanguso. "Baka mamaya bongga mga imbitado don mapahiya lang ako."

"You won't." He said, confidence can be heard in his voice. Bumukas ang pinto ng elevator kaya naman lumabas na sila. Nagtungo sila sa parking lot saka nilapitan ang sasakyan nito. Lumapit ito sa passenger saka binuksan ang pinto. "Hop in."

"Thanks?" Nanibago siya sa ginawa nito. For her, he's not a gentleman, well, it's her belief.

Sumakay siya sa kotse at hinintay na makasakay ito. Nang makaupo sa driver's seat, binuhay nito ang makina saka pinausad patungong mall.

Capturing Her HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя