Chapter 19

818 26 0
                                    

CHAPTER 19

BAGOT NA bagot si Xylyx habanag nakaupo siya sa swivel chair niya at nakatingin lang sa kawalan. He should be reading some reports right now or making his self busy. But no. He just staring to nowhere and tapping the tip of his fingers to his office table.

For short, he's doing nothing. Absolutely nothing.

Kung may makakakita man ngayon sa kanya, malamang ang iisipin ng mga yun ay masyado siyang tamad para humawak ng kompanya. Which is true. Pero dumadaloy sa dugo niya ang pagiging businessman kaya wala silang magagawa.

"What a boring day." Bulong niya sa kawalan bago kinuha ang cellphone na nasa ibabaw lang ng table niya dahil nag-ingay iyon. He answer the phone without looking who's the caller is. "What the hell do you want?"

"Ang ganda ng bungad mo sakin." Natatawang wika ni Dirk. "I'm at your company right now."

"What?" Kunot nuong tanong niya. Mas lalong kumunot ang nuo niya nang may marinig siyang tawanan sa kabilang linya. "Sinong kasama mo?"

"I'm with Tyler, Chaine, Bryce and Niko." Sagot nito. Para siyang pinatungan ng mainit na kaldero sa ulo niya nang marinig niya ang pangalan ni Niko. "See you in a minute, man. Bye."

Magsasalita pa sana siya nang patayin na nito ang tawag. Nilagay niya ang cellphone sa table saka tumayo. That annoying bastard is here.

Lumabas siya ng opisina niya at nakita si Sanie na nakaalumbaba at nakaharap lang sa monitor ng computer nito. She look so beautiful even she's not smiling.

Ipinilig niya ang ulo at nilapitan ang dalaga. Tutok ito sa harap ng monitor kaya hindi agad nito napansin ang presensya niya. Napangiti na lang siya at kinatok ang table nito.

Nagtaas ito ng tingin sa kanya at nanlaki ang mga mata bago tumayo. "Sir Xylyx. Bakit ho?"

"Kumain ka na sa labas." Wika niya at nilapag ang credit card niya sa table nito. "Go. Tagalan mo ang pagkain mo. If possible pumunta ka pa sa mall at mamili ng kung ano-ano."

"Ha?" Halata sa mukha nito ang pagtataka habang nakatingin sa kanya. "Anong meron?"

"Basta." Kinuha niya ang credit card na nilapag niya sa table nito at inabot rito. Hinawakan niya ito sa kamay at siya na ang kumuha ng bag nito na nakapatong sa table saka masuyong hinila sa elevator. "Go on. Tagalan mo ha."

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Bumukas ang elevator at pinasakay na niya ito na bakas pa rin ang kaguluhan sa mukha. "Sir–"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil siya na mismo ang nagsara ng elevator. Nginitian niya ito bago tuluyang sumara ang pinto at kinawayan.

Saktong sumara ang pinto at siya namang bukas ng pinto ng isa pang elevator. At doon nakasakay ang mga kaibigan niya.

"Hey, Xy." Nakangiting wika ni Bryce at nilapitan siya. "Anong ginagawa mo dito sa harap ng elevator?"

"You're trying to get away from us, aren't you?" Tanong ni Dirk at ngumisi. "Oh no, my dear friend. You won't."

"Ano ba kasing kailangan niyo at pumunta pa kayo dito?" Tanong niya at naglakad papasok ng opisina niya. Like what Dirk said, kasama nga talaga nila si Niko. Good thing wala na rito si Sanie. "What do you want? All of you."

"Nothing." Sagot ni Niko at komportableng naupo sa leather sofa na nasa loob ng opisina niya. "Nabored lang kami kaya pumunta na kami dito."

"Ewan ko ba dito kay Dirk, biglang nagyaya." Wika ni Tyler at naupo sa pang-isahang sofa. "I'm busy cleaning my yatch tapos bigla lang akong tinawagan ni Dirk."

Capturing Her HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя