Chapter 30

656 24 9
                                    

CHAPTER 30

IT'S ALREADY three days when Sanie and Xylyx got to Manila. And as Sanie said, balik trabaho na naman nga silang dalawa ng binata. Narito siya ngayon sa kompanya at nakaupo sa pwesto niya bilang sekretarya ng binata.

Aaminin niya na miss niya na kaagad ang probinsya dahil nakakapag-relax siya roon kesa rito sa Manila na puno ng maiingay na tao. Pero wala naman siyang magagawa dahil may trabaho siya at kailangan niyang maghanap buhay para may maibigay sa pamilya niya.

Well, wala namang problema sa kanya kung mananatili siya rito sa Manila. Mas malaki naman kasi ang oportunidad dito sa Manila kesa sa probinsya nila.

"Sanie." Nagising siya sa pagmumuni-muni niya nang bigla niyang marinig ang boses ni Xylyx. "Ayos ka lang? Nakatulala ka."

"Ah, ayos lang ako." Sagot niya at ngumiti. "May kailangan ka?"

"Sabay na tayong kumain ng lunch." Anito at sumandal sa table niya. "I already ordered our food. The food will be here any time soon."

She nod. "Okay. Hindi ka ba busy ngayon?"

"Natapos ko na yung mga dapat kong gawin. I already finish all the papers that need my signature. Muntik pang maubos tinta ng ballpen ko." Reklamo nito na ikinatawa niya. Napabuntong hininga naman ito. "Ang sakit na kaya ng kamay ko."

"Para kang babae." Natatawa niyang wika saka umalis sa mesa niya. "Gusto mo ba magkape?"

"Juice is enough." Nakangiting sagot nito.

Tumango lang siya saka tinungo ang pinto kung saan makikita ang maliit na kusina. Nagtimpla siya ng dalawang juice saka bumalik sa mesa niya. Naabutan niya si Xylyx na busy sa cellphone nito.

"Juice." Aniya saka nilapag sa harap nito ang isang basong orange juice. "Anong ginagawa mo?"

"The delivery guy texted me." Sagot nito at pinatay ang cellphone. "Baka raw malate ng kaunti yung pag-deliver ng pagkain kasi traffic daw."

Napatango-tango siya. "Ayos lang naman yon. Hindi pa naman ako masyadong gutom."

"Yeah, same here." Anito. He drink his juice. "So, shall—"

Naputol bigla ang nais nitong sabihin dahil bigla na lang nag-ingay ang telepono nito. Nilapag nito sa mesa niya ang baso na may lamang kalahating juice.

"Excuse me, it's Kielle." Wika nito saka pumasok sa loob ng opisina nito.

Kumunot ang nuo niya at pinagsawalang bahala rin iyon kinalaunan. 

AS XYLYX closes the door of his office, he immediately answer Kielle's call.

"Hey, what's up?" He said as he answer the call.

"Do you have free time right now?" Tanong nito. "I need to show you something. It's about Lucas Perez."

"What's with him?" Tanong niya. "Can't you just tell me on the phone?"

"Come to my house, right now." With that, the call ended.

Napatingin siya sa screen ng cellphone niya na kunot ang nuo. Kahit kailan may pagkabastos talaga si Kielle.

Naiiling na kinuha niya ang susi ng sasakyan sa mesa niya saka lumabas ng opisina at nilapitan si Sanie na nakatitig na naman sa screen ng monitor.

Ano ba ang iniisip ng babaeng ito?

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now