Chapter 24

1.1K 36 7
                                    

CHAPTER 24

MAAGANG NAGISING si Sanie dahil ngayong araw na ang graduation ng kapatid niya. Kaagad siyang lumabas ng kwarto niya nang matapos niyang ayusan ang sarili.

Nang makalabas ng kwarto, agad naman siyang bumaba ng hagdan. Tama lang ang laki ng bahay nila pero may dalawang palapag iyon. Sa unang palapag makikita ang, sala, kusina, banyo at dalawang kwarto.

Ang isang kwarto ay dating kwarto ng isa sa mga kamag-anak nila. Ang isa naman ay kwarto ng magulang niya. Pero dahil kasama niya ngayon si Xylyx at Lucas, ang magulang niya ay nakikitulog sa kwarto ng kapatid niyang babae.

Sa ikalawang palapag naman makikita ang tatlong kwarto. Ang pinto na pinakamalapit sa hagdan ay ang kwarto niya. Ang suno naman ay kwarto ng kapatid niyang babae at ang panghuli ay kay Yako.

Nang makababa siya sa hagdan nakita agad niya ang kanyang ama na komportableng nakaupo sa sofa na gawa sa kawayan habang nagbabasa ng dyaro.

"Magandang umaga ho, Tay." Bati niya sa ama at hinalikan ito sa pisngi. "Si nanay ho?"

"Nasa kusina nagluluto ng umagahan." Sagot nito habang nakatutok pa rin ang mata sa binabasa. "Si Kera ba gising na?"

"Hindi pa ho ba lumalabas ng kwarto yun?" Tanong niya saka tumingin sa hagdan. "Gigisingin ko lang ho."

"Ako na." Wika ng ama niya nang maglalakad na sana siya patungo sa hagdan. "Gisingin mo na lang ang mga kaibigan mo. Baka tulog mantika ang mga yun."

"Taga manila kasi, Tay." Natatawang aniya. Naglakad siya sa pintuan ng kwarto na nasa sala lang. Iyon ang kwarto kung saan natutulog pansamantala si Lucas. Kumatok siya ng dalawang beses. "Lucas, gising na. Mag-almusal na tayo."

Narinig niya ang boses nito sa kwarto kaya naman alam niyang gising na ito. Sunod naman niyang tinungo ang kwarto na nasa likod ng hagdanan. Tago ang kwartong iyon dahil iyon ang gusto ng dating may ari.

"Xylyx, gising na." Aniya sa labas habang kumakatok sa pinto. Idinikit niya ang taenga sa pinto pero wala siyang naririnig. "Hoy, Sir Xylyx, gumising ka na."

Dinikit niya ulit ang taenga sa pinto pero wala pa rin siyang narinig. Hinawakan niyabang doorknob at pinihit iyon pabukas. Hindi nakalock.

Pumasok siya sa loob at nilapitan ang binata na mahimbing pa ring natutulog. Kahit pala hindi malambot ang higaan nakakatulog pa rin ito ng mahimbing.

Ang dating may ari kasi ng kwartong iyon ay hindu mahilig sa kutsyon, mas guso nito ang papag lang dahil mainit kuno kapag nahihiga sa kutsyon.

"Xylyx, gising na hoy." Gising niya rito pero wala lang itong imik. Hinawakan niya ito sa braso at niyugyog. "Gumising ka na nga. Bubuhusan kita ng malamig na tubig."

Dumilit ito dahilan para magtama ang mga mata nila. As usual, her heart did a backflip again.

"Good morning." Nakangiting bati nito sa kanya.

"Bumangon ka—Xylyx!" She hissed him when Xylyx grab her arm and pull her close to him. Now this is awkward for her. Nakahiga siya ngayon sa ibabaw ng binata at nararamdaman niya ang init ng katawan nito. "Ano ba, Xylyx. Kapag makita tayo ni Tatay mapuputulan ka talaga ng ulo."

"Ulo sa taas o ulo sa baba?" Nakangising tanong nito. Hinampas niya ito sa dibdib at pinanliitan ng mata. "Ouch. Is that how you greet someone a good morning?"

"Fuck off." Aniya at pinilit na umalis sa ibabaw nito pero niyakap nito ang bewang niya. "Xylyx bitawan mo ko. Gusto mo ba talagang maitak ni Tatay?"

"Your father likes me." Anito na may proud na ngiti sa labi. "Sinabi niya sakin yun kahapon."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now