Chapter 18

896 35 2
                                    

CHAPTER 18

NANG MARATING sila Sanie sa patutunguhan, napanganga na lang siya sa ganda ng restaurant. The restaurant is called Dev-Laux Restau. Nakikita niya minsan sa tabloid ang restaurant na ito dahil sa masasarap na pagkaing hinahain rito.

This is like a dream come true for her. Gustong-gusto niya na makakain sa restaurant na ito pero hindi niya magawa dahil sa wala naman siyang pera at ayaw at ayaw naman niyang gastusin ang mga naipon niya para sa pamilya niya.

And now, she's given an opportunity to eat in here. She's so excited. Hinawakan niya sa kamay si Xylyx nang makatayo ito sa tabi niya.

"Halika na." Aniya at nilingon sa likuran si Lucas na papalapit sa kanila. "Lucas, come on."

Nginitian siya nito at tumango. Siya naman ay hinila papasok ng restaurant si Xylyx. Nang makapasok sila ay agad na may bumungad sa kanilang waiter na masiglang nakangiti sa kanila.

"Good afternoon, ma'am, sir." Bati nito sa kanila ng may ngiti. "Any reservation?"

"No." Si Xylyx ang sumagot. "Table for two–"

"Three." Putol niya sa sasabihin nito. "Table for three."

"Oh, yeah. I forgot." Wika ni Xylyx at namulsa. "We brought our pet."

"Pet, Sir?" Tanong ng waiter na bakas sa mukha ang gulat.

"No, he means our friend. Kasama namin ang kaibigan namin." Ulit niya at siniko ito. "Nang-aasar lang talaga 'to."

"Akala ko ho kasi may alaga ho talaga kayong dala." Napapakamot na wika ng waiter, siya naman bahagyang natawa. "Pet is not allowed here."

"Heard that, Lucas?" Tanong ni Xylyx kay Lucas na ikinakunot ng nuo niya. "No pets are allowed."

"Xylyx!" She hissed Xylyx. He just shrugged then laugh silently. Gusto niya rin sanang matawa pero pinigilan niya. Nilingon niya si Lucas na nakamasid lang sa kanila. "I'm sorry about that."

Lucas smile. "It's fine."

Masamang tingin ang binato niya kay Xylyx. "That's not funny at all."

Napailing-iling na lang siya saka sinundan na ang waiter papunta sa table nila. Nang maihatid sila ng waiter sa table nila, pinaghugot siya ng upuan ni Lucas. Nginitian niya ito bago maupo.

Kinuha niya ang menu na nasa harapan niya at namili ng pagkaing gusto niya. Hindi niya pa naangat ang kamay para kunin ang atensyon ng waiter pero may waiter na agad sa table nila.

"What's your order, ma'am and sir?" Nakangiting tanong nito. Sinabi niya ang order niya ganoon rin ang dalawa. "Your orders will be serve soon."

"I need to excuse myself." Wika ni Lucas saka tumayo. Napatingin siya sa papalayo nitong rebulto. Papunta ito sa banyo, kung tama siya.

"Why did you invite that guy to come and eat with us?" Biglang tanong ni Xylyx. Tinignan niya ito seryoso itong nakatingin sa kanya. "It's annoying."

"I don't want to be rude." Aniya at napabuntong hininga. Bakit ba ayaw na ayaw nito kay Lucas? "Bakit ba high blood ka pagdating sa kanya?"

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now