Chapter 10

1K 31 0
                                    

CHAPTER 10

MATAPOS NG mangyari sa kanila ni Xylyx sa bahay nito ay hindi na iyon maalis-alis sa isip ni Sanie. She left Xylyx's house while he was deep in sleep. At ngayon, dalawang araw na ang nakakalipas at iniiwasan niya ang binata.

Iniiwasan niyang magtama ang mga mata nila dahil sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ay nakikita niya ang kakaibang kislap sa mata nito. And everytime their eyes met, embarrassment cover her whole body.

Hindi na niya alam kung paano niya haharapin ang binata lalo na't ito ang amo niya. Kaya malamang magkikita at magkikita talaga sila. Kung mamalasin siya ay may posibilidad na magkausap silang dalawa.

Ikaw naman kasi, Sanietta. Nagpadala ka sa init ng katawan mo. Pagkausap niya sa sarili.

Wala namang masama don. Gwapo at mayaman naman ang nakakuha sa yaman mo. Mabait pa. Sagot ng isip niya.

She snorted. Mabait? Talaga lang ha.

"Hoy, Sanie." Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng katrabaho niya na naging kaibigan niya na rin. "Kanina ka pa tulala riyan. Ano bang iniisip mo?"

"Wala naman." I'm thinking about our boss and his, oh so yummy abs. Ipinilig niya ang ulo saka sumimsim ng kape. "Nakakapagod kasi magtrabaho kaya siguro minsan mentally absent ako."

"Kilala kita, ni minsan hindi kita nakitang nakatulala o hindi kaya ay mentally absent." Wika ni Ned saka pinakatitigan siya ng mabuti. "Dalawang araw ka ng parang wala sa sarili. Umamin ka sakin, anong dahilan ng pagka 'mentally absent' mo?"

"Pagod lang ako, ano ka ba naman." Palusot niya at muling sumimsim ng kape. "Kailangan ko lang talaga ng sapat na pahinga."

"Tigil-tigilan mo ko sa mga palusot mo, Sanietta Reyes." Anito at napangiwi siya nang marinig na naman niya ang buong pangalan niya. "Sabihin mo na sakin kung anong laman ng isip mong yan."

She sigh. Tumingin siya sa glass wall ng cafe kung saan sila naroroon. Katapat lang ng cafe ang Soreman Incorporated kaya naman kapag may bakanteng oras siya ay lagi siyang nandito para lang uminom ng kape.

"Iniisip ko lang kung anong pakiramdam ng may boyfriend." Aniya habang nakatingin sa mga sasakyang dumadaan sa labas ng cafe. Well, iniisip niya rin naman talaga iyon. Its a half lie and half truth. "Kung may boyfriend ako ngayon, ano kayang buhay meron ako."

"Boyfriend?" Nagtatakang tanong nito at tumango siya nang hindi ito nililingon man lang. "Bakit naman bigla mong naisip yan?"

Umayos siya ng pagkakaupo bago sumagot. "Wala lang. Bigla lang pumasok sa isip ko."

"Pero alam mo, buti na lang naopen mo yang topic na yan. Kasi madami akong kakilalang single, pwede kitang ireto sa kanila." Anito na agad niyang ikinalingon rito. May kakaiba itong ngiti na nakapluster sa labi nito. "Mga gwapo yon tapos may kaya sa buhay. Mga naghahanap din ng single."

"Paano mo naman sila nakilala?" Kunot ang nuo na tanong niya rito. "Baka mamaya may masama ka ng ginagawa riyan."

"Ano ka ba? Wala 'no." Depensa agad nito. "Nakilala ko sila sa isang website. Nagkakwentuhan tapos yon naging kaibigan ko yung iba."

"Hindi ka ba natatakot sa mga yon?" Tanong niya rito at sumimsim muli ng kape. "Babae ka tapos mga kausap mo lalaki. Baka kung anong gawin nila sayo."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now